Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biazon nagbitiw sa Customs

120313_FRONT

NAGBITIW na sa pwesto si Customs Commissioner Ruffy Biazon, ilang araw makaraang isabit sa pork barrel fund scandal.

Sa kanyang biglaang press conference sa Bureau of Customs (BoC), inianunsyo ni Biazon ang kanyang paghahain ng irrevocable resignation kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Biazon, isinulat niya ang kanyang resignation letter bago siya nakipagpulong sa pangulo.

“Being a presidential appointee to an executive post, critics would have a field day taking potshots at the President if I stayed.”

Sa kanyang binasang statement, iginiit ni Biazon na ang kanyang pagbibitiw ay hindi ibig sabihin na “guilty” siya.

Idiniin niyang handa  niyang harapin ang kaso sa proper forum ngunit hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap na kopya ng reklamo ng NBI-DoJ.

Kabilang sa ginawang dahilan ng opisyal sa pagbibitiw sa pwesto ay ang kanyang pamilya.

“I resign to protect my family, particularly my young children from exposure to the hostile environment involving a public,” ani Biazon. “The intense discussion in media may be too much for them to endure. They are too young to understand.”

Pormal na bababa sa pwesto si Biazon makalipas ang isang linggong transition period.

RESIGNATION TINANGGAP NI PNOY

AGAD tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Unang nag-alok ng resignation via text si Biazon matapos ipahiya ng Pangulong Aquino ang Bureau of Customs sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo.

Sinabi ng Pangulong Aquino sa kanyang statement, bago humarap sa press conference si Biazon ay nagkausap na sila dakong hapon kahapon.

Ayon sa Pangulong Aquino, mas makabubuti sa Customs ang pagbibitiw ni Biazon makaraang madawit sa pork barrel scam at kasuhan ng NBI sa Ombudsman.

Nais aniya ni Biazon na idepensa ang sarili na hindi nakokompromiso ang rekord sa gobyerno at reporma sa BoC.

Binigyan ng Pangulo si Biazon ng hanggang katapusan ng linggo para tapusin ang nakabinbing trabaho sa Customs para magkaroon nang maayos na paglilipat ng tungkulin.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …