Monday , December 23 2024

Anong petsa na? Wala pa rin bang desisyon sa DQ case ni Erap?

00 Bulabugin JSY
ILANG kaso na ang nadesisyonan ng Supreme Court kaugnay ng mga protesta at petisyon sa nagdaang eleksiyon.

‘Yung kay Wigberto Tañada, Jr., (Liberal Party) vs Angelina Tan (Nationalist People’s Coalition – NPC) pero ibinasura ng Supreme Court ang petisyon ng una pabor sa huli para sa Congressional Seat ng 4th District ng Quezon.

‘Yung ABANG LINGKOD party-list na iniutos ng Supreme Court sa Commission on Election (Comelec) na ideklarang kasama sa mga nanalo nitong nakaraang May elections.

Kaya ang tanong natin, ‘e yung DISQUALIFICATION CASE kaya na inihain laban kay Erap, kailan kaya reresolbahin ng SUPREME COURT?

Anong PETSA na mga Kagalang-galang na Mahistrado?

Sana naman ay resolbahin na nga ng Supreme Court ang mga nakabinbing usapin na kaugnay sa nakaraang eleksiyon kabilang na ang pinakahihintay ng mga Manileño.

Sabi nga ‘e JUSTICE DELAYED IS JUSTICE DENIED.

‘Wag naman sana.

ANG “SACRED SIGHTLINE” NI MR. CARLOS CELDRAN

AKALA ng isang palaka na nasa loob ng balon, sinlaki lang ng bunganga nito ang kalangitan. Kaya nang nakaahon siya sa balon, muntik pa siyang mahulog ulit sa loob nito sa pagkagulat at realisasyon na napakalawak pala ng kalangitan.

Ganito ko tinitingnan ang online petition ni tour guide Carlos Celdran at ngayon ay tourism consultant ni Mayor Erap,  laban sa itatayong Torre de Manila condominium sa Taft Ave., Ermita, Maynila.

Ayon kay Mr. Celdran, ang “sacred sightline” ng monument ng national hero ay dapat na ipreserba.

Noong isang taon pa raw inumpisahan ni Mr. Celdran ang kanyang kampanya dahil sisirain umano nito ang view ng Rizal Monument at ang view ng Luneta Park.

Gusto natin ‘yan. Gusto natin ang mga kaisipan at damdaming nasyonalista …

Pero sana TOTOO at sana consistent lang!

Ang Manila Hotel ba ay nakasisira sa “sacred sightline” ng Rizal Monument?

Napapanatili ba ng mga itinayong sari-sari store na mukhang barong-barong ang dignidad at dangal ng Monumento ni Rizal at ng kabuuan ng Luneta Park?

Kaiga-igaya bang tingnan  na nasa loob mismo ng Luneta Park ang mga tinda-tindahan na ‘yan?

Ang “sacred sightline” ba ng Rizal Monument ay kapag nakatanaw ka sa direksiyon patungong Taft Ave.? E ‘yung kapag nakatanaw sa Roxas Blvd?

Sa gawi ng P. Burgos at sa gawi ng T.M. Kalaw?

Ilang katanungan lang po ‘yan, Mr. Celdran.

And last  but not the least, bakit noong tinayuan ng PERYAHAN ang LUNETA, hindi ka kumibo?

Noong tayuan ng PERYAHAN at TIANGGEHAN ang Bonifacio Shrine sa Mehan Garden at sa Rajah Sulayman, umepal at nagsalita ka ba?

Ngayong nagmumukhang palengke dahil sa tianggehan kuno at namamanghi na ang Bonifacio Shrine, magpapa-online petition ka rin ba para tanggalin na ang tianggehan d’yan?!

Remember Mr. Celdran, CONSISTENCY and HONESTY is the best policy.

Time to scrutinize your conscience now!

ANG DAKILANG BAGMAN NG MPD PS-11

IMBES gibain at sugpuin ang grupo ng mga kolektong kontra sa pobreng vendors sa Divisoria, Maynila ay tila kinokonsinti at protektado pa ng mga pulis ng MPD lalo na diyan sa PS-11.

Lumalabas na talagang balewala at hindi iginagalang ang utos ni Yorme ERAP na ZERO KOTONG sa mahihirap na vendors sa Kamaynilaan.

FYI MPD PS-11 Chief Kernel WILSON DOROBO ‘este’ DOROMAL, iniiyak ng mga vendor ang isang nagpapakilalang BAGMAN ng PS-11 na si alias TATA BONG KRUS na may mga galamay na kolektong  na sina TATA MARLON U-SE-BIO at TATA JOY BOKAL.

Isa sa mga raket nila ay hulihin ang mga vendor na hindi pasok sa organization (USVDAI) sa utos umano nina  FERDIE at little mayor JIMMY SORIANO.

Sikat na sikat na nga raw si Bagman Bong Krus sa AOR ng ONSE lalo na sa mga KTV bar at sauna bath.

MPD district director Gen. Isagani Genabe, alam mo bang pinagtatawanan ka lang ni alias Bong Krus dahil kahit may order/assignment na siya sa PS-5 ay stay-put pa rin siya sa ONSE?

Paano nga naman siyang ipalilipat ni Kernel Doromal sa ibang estasyon ‘e ang galing daw mag-deliver ni Tata Bong?!

Sa inyo ba Sir Gani Genabe, nagde-deliver ba si Tata Bong?

Nagtatanong lang po tayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *