Saturday , April 12 2025

PacMan sinisiw si Rios ( He’s back )

112513_FRONT
NAGPAKITA ng napakalaking pagkakaiba sa boxing IQ si Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang laban kay Brandon “Bam Bam” Rios, ayon sa local boxing analyst na si Ed Tolentino.

Ipinunto ni Tolentino, sa mabagal na pagkilos ni Rios, naipakita ni Pacquiao ang kanyang talino sa loob ng “ring” sa pamamagitan ng paggamit ng highly tactical bout laban sa Mexican-American brawler.

“Manny Pacquiao took out his masteral degree in boxing and brought ‘Bam Bam’ Rios to school. Lumalabas na pang-Grade 1 ang report card ni Rios,” ayon sa analyst.

Dagdag ni Tolentino, ipinakita ni Pacquiao na walang epekto sa kanya ang shocking knockout na pagkatalo kay Juan Manuel Marquez, 11 buwan na ang nakararaan.

Ipinunto niyang ang bilis ng Pinoy boxer, bilis ng kamao at lateral movements ay nananatili pa rin.

“Nakita natin dito na maganda pa rin ang galaw ng kanyang kamao, maganda pa rin ang kanyang combinations,” pahayag ng veteran boxing commentator. “The legs was really a factor in this fight dahil hindi nagbago ang timpla ng kanyang lateral movement.”

Para kay Tolentino, ang matinding pagkatalo ni Pacquiao kay Marquez nitong Disyembre ang nagturo kay Pacman na maging matalinong boksingero.

“May mga pagkakataon tayong nakita that Pacquiao could have taken out Rios… at naging maingat si Pacquiao sa laban na ito ayaw kasi n’yang mangyari ‘yung nangyari sa laban niya kay Juan Manuel Marquez na sa sobrang pagiging gigil n’ya sa knockout ay nasingitan siya,” ayon kay Tolentino.

“He was very careful not to engage Rios in an extended slugfest kasi ‘yun ang kalakasan ni Rios,” aniya.

Ibinigay ng mga hurado ang score na 120-108, 119-109, at 118-110 pabor kay Pacquiao.

Ayon sa Compubox statistics, si Pacquiao ang mas naging aktibo sa laban, tumama ang 281 sa kanyang 790 punches para sa 36% accuracy, kompara kay Rios, na tanging 138 ang tumama mula sa kanyang 502 attempts kay Pacquiao para sa 27%.

Ito ang ika-55 tagumpay ni Pacman sa 62 laban. Habang ang talo ni Rios ay pangalawa naman niya sa 33 laban.

“He’s not an easy opponent. He’s a good fighter, he’s a strong fighter,” pahayag ni Pacquiao kaugnay sa kanyang kalaban habang nagsisigawan ang mga manonood sa loob ng Cotai Arena sa Macau. “I considered this fight as one of the most difficult in my career.”

“This is not about my comeback,” pahayag ni Pacquiao sa kanyang post-fight interview. “This is about my people’s comeback from a natural disaster and a natural tragedy.”

“I’m so happy,” dagdag pa ni Pacquiao. “Because my time is not over.”

PINOY NAGBUNYI

MACAU — Ipinagbunyi ng sambayanang Filipino ang panalo ni 8-division world champion Manny Pacquiao kontra kay Brandon Rios sa kanyang return fight sa The Venetian, Macau.

Makalipas ang may isang taon na pahinga matapos ang masaklap na pagkatalo kay Mexican rival Juan Manuel Marquez, pinatunayan ni Manny na maaari pa rin siyang makipagsabayan sa elite fighters.

Sa Round 1 pa lang, kitang-kita ang pagpapanumbalik ng lakas at bilis ng mga kamao ni Manny.

Pagsapit ng Round 6, nagsimula nang mamaga ang kanang mata ni Rios at sa Round 8, tumulo na rin ang dugo sa ilong.

Matapos ang Round 12, inianunsyo ni ring announcer Michael Buffer ang scorecards results na:  120-108, 119-109 at 118-110, para igawad kay Manny ang panalo via unanimous decision.

Una nang inihayag ng Filipino ring icon na kanyang iniaalay sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Yolanda ang laban niya kay Rios.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Chiz Escudero Imee Marcos

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan …

Vince Dizon DOTr

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *