Sunday , November 24 2024

Tacloban ‘War Zone’ ngayon ( Hindi lang ghost town )

111213_FRONT
MISTULANG ‘war zone’ sa nagaganap na kaguluhan ang Tacloban City makaraan ang halos dalawang araw na pananalasa ng super typhoon Yolanda sa lungsod.

Ayon sa ulat ni Rhondon Ricafort, executive assistant ni Albay Governor Joey Salceda, kasama sa grupong nagsagawa ng relief operations, marami na ang nagugutom na mga residente at nag-aagawan sa mga produkto sa pinapasok nilang mga grocery store.

Aniya, walang magawa ang mga gwardiya sa paglusob ng mga tao sa pinapasok nilang supermarket at nilimas ang mga paninda.

Kulang aniya sa mga pulis at kung mayroon man aniyang reinforcement ay walang magawa ang mga awtoridad sa dami ng mga sibilyan.

Samantala, sinabi ni Ricafort, sana matapos agad ang pagtipon sa mga bangkay. Dumating sila na marami sa mga bangkay ay nakahilera lamang sa mga kalsada, ang iba ay humalo sa nakahambalang na mga sasakyan at maraming mga debris mula sa winasak na mga bahay ng super typhoon.

Kung may report aniyang lumabas na 1,600 na ang patay sa Tacloban at Leyte, ito ay sampung bayan lamang mula sa 41 munisipalidad.

Mas nangangamba aniya ang rescue teams sa sitwasyon sa Eastern Samar dahil hindi pa napapasok ng mga awtoridad.

Kung tutungo sa Eastern Samar ay kailangan lamang gumamit ng single motorcycle.

May anim hanggang pitong mga tulay ang hindi madaanan sa main highways.

“Totally blinded ang mga awtoridad, sa Basey, sa Guiuan at iba pa. Sa pamamagitan din lamang ng single motorcycle ang ginagawang reconnaissance ng Philippine Army,” ani Ricafort.  “Umaasa kami na makapapasok din sa Eastern Samar ang Albay team pero ina-assess pa ang sitwasyon,” aniya.

ni BETH JULIAN

RESIDENTENG WALANG MAKAIN NABALIW  SA GUTOM

BUNSOD ng hirap na nararanasan sa pag-hagupit ng bagyong Yolanda, maraming residente ng Tacloban City ang iniulat na nasisiraan na ng pag-iisip.

Ayon sa high school teacher na si Andrew Pomeda, ilan na sa kanila ay nababaliw dahil sa kawalan nang makakain at pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Nagiging bayolente na po ang iba sa mga residente dahil namatayan na nga sila ay kapos pa ang pagkain,” paliwanag ni Pomeda.

Inihayag ni Pomeda na marami nang establisyemento ang pwersahan pinasok at ninakawan para lamang makahanap ng pagkain.

“Natatakot po kami na kung tumagal pa ang ganitong sitwasyon ay baka humantong na sa pagpapatayan ang mga tao dahil sa agawan ng pagkain,” ayon kay Pomeda.

SURVIVORS NANGALAKAL NG SCRAP NI YOLANDA

NAMUMULOT na lamang ng mga yero, bakal at iba pang scrap ang maraming residente sa Bogo City, Northern Cebu para mapakinabangan ang natirang mga bagay matapos wasakin ng bagyong Yolanda ang maraming bahay at gusali sa nasabing lungsod.

Kabilang sa kanila si Felix Tolareza, isang high school teacher. Aniya, sa isang iglap ay winasak ng bagyo ang kanilang bahay na pinaghirapan niyang pag-iponan para maipatayo para sa kanyang pamilya.

Sa ngayon, nakikisilong si Felix sa bahay ng kanyang biyenan sa Bogo, kasama ang pamilya ng mga kapatid at maging kanilang mga kapitbahay.

Kwento niya, dahil siksikan sila sa maliit na bahay, kapag natutulog sila, ang mga bata ay nakahiga sa ibabaw ng mesa habang sila naman ay nakaupo lamang.

“Nakaupo lang sir, ang mga bata lang ang pinahiga namin sa la mesa. Hindi ka naman makatulog sir, kasi walang bubungan ang bahay namin. May mga lona at tarpaulin na napulot namin, ginagamit namin pantabing sa lamig,” ani Felix.

Pinuna rin niya ang aniya’y mabagal na aksyon at tulong sa kanila ng pamahalaan kung kaya’t karamihan sa kanila ay namumulot na lamang ng mga scrap na maaaring maibenta at mapakinabangan.

“Iyong malalaking yero mula sa mga tindahan, iyon ang kinukuha namin tapos ibibenta namin sa mga junk yard. Tapos iyong biyenan ko naman, iyong mapakinabangan pa, iyon ang ginagamit namin sa bahay.”

Gayon man, hindi aniya agad-agad naibibenta ang napupulot na mga scrap dahil maging ang junkyard ay naubusan na rin ng pera para sa kanilang kalakal.

DEATH TOLL: 1,563 MASS GRAVE  IKINAKASA NA

NAKAPAGTALA na ng 1,563 bilang ng mga namatay sa bagyong Yolanda sa lalawigan lamang ng Leyte.

Sa official report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), sinabing inaasahan pang tataas ang death toll habang nagpapatuloy ang ginagawang search and retrieval operations.

Ayon sa konseho, ang naitalang bilang ng fatalities ay galing sa 10 ba-yan mula sa kabuuang 40 bayan ng Tacloban City.

Samantala, umakyat na sa 11 ang bilang ng mga namatay sa bayan ng San Romeo, Northern Cebu dahil pa rin sa hagupit ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Mayor Mar Martinez, kanilang narekober ang siyam na labi ng mga mangingisda matapos tumaob ang kanilang fishel vessel sa kasagsagan ng bagyo.

Paliwanag ng opisyal, nakisilong sa baybayin ang mga mangingisda ngunit ilan sa kanila ay hindi umalis sa kanilang sasakyang pandagat kung kaya’t kasama sila sa pagtob ng vessel.

Sa hiwalay na ulat, mayroon 50 bangkay ang nakalagak sa Tacloban City Hall habang hinihintay na mailibing.

Sinasabing plano ng city government na magsagawa na lamang ng “mass grave” para sa mga biktima.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *