Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeffrey Santos Judy Ann Santos

Jeffrey proud sa narating ng kapatid na si Juday

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAHIT sinong kapatid ay magmamalaki at magiging proud kung isang mahusay at premyadong aktres tulad ni Judy Ann Santos.

Ganyan si Jeffrey Santos na kuya ni Judy Ann.

Maraming beses nang nagkamit ng parangal bilang aktres si Judy Ann dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ilan sa mga parangal na nakamit ni Judy Ann ay ang Best Actress sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal para sa pelikulang Espantaho noong March 2025.

Disyembre naman ng 2024 ay hinirang din si Judy Ann bilang Best Actress, para rin sa Espantaho, sa 50th Metro Manila Film Festival.

At noong 2019 ay itinanghal na Best Actress si Juday, para pelikulang Mindanao, sa 41st Cairo International Film Festival sa Egypt.

Sina Judy Ann at ang Superstar Nora Aunor (noong 1995 para sa The Flor Contemplacion Story) pa lamang ang mga Filipinong artistang nagwagi sa Cairo International Film Festival.

O di ba, ilang beses, ‘no,” bulalas ni Jeffrey.

Ilang beses, oh my God!

“I am thankful that she’s recognized with the talent that she’s been blessed with.

“Iba, eh,  iba ‘yung feeling na… lumalawak ‘yung mundo ng kapatid ko.

“‘Di ba? Nare-recognize ‘yung talent niya, and you know, and at the same time, whether she’s conscious about it or not, she’s opening doors!

“She’s opening doors for local actors.

“Kasi maiintriga, ‘Bakit siya magaling? Saang bansa ba galing iyan? Sumubok nga kayo ng artistang galing doon. Kung hindi siya available maghanap kayo ng iba.’

“She’s opening doors. She’s… literally the floodgates are open right now for Filipino actors making it internationally because she’s one of the few actors who transcended into the international scene.

“Nakaka-proud, both as a brother, pero I’m prouder as a Pinoy!

“‘Di ba? Iba ‘yung dala niya ang flag natin doon.”

Samantala, mapapanood si Jeffrey sa pelikulang Breaking The Silence na isinulat ng mismong direktor ng pelikula na si Errol Ropero.

Tungkol ito sa mental health at bullying na palaging napapanahon dahil patuloy na nangyayari sa ating lipunan.

Iba ang atake ni direk Errol sa pelikula kaya maraming aral na mapupulot ang mga manonood, lalo na ang mga kabataang nabu-bully sa school, naba-bash online, at nape-pressure sa demanding na magulang mula sa pelikula.

Mahusay ang mga batang bida sa movie na sina Yvo Wever, Gray Weber, at Francis Saagundo, maging ang young stars na sina Potchi Angeles at Shira Tweg.

Tama ang desisyon ng executive producers ng pelikula na sina Ms. Ann Michelle Weber & Mr. Lawrence Weber (under Gummy Entertainment Productions) na buuin ang Breaking The Silence na nag-iikot na sa mga showing sa mga iba-ibang paaralan sa buong Pilipinas.

Nasa pelikula rin sina Ramon Christopher, Pinky Amador, Bugoy Cariño, Rob Sy, Pekto Nacua, Mark Herras, Irish Contreras, Brace Arquiza, Gene Padilla, Patani Daño, Sylvia Manansala, Panteen Palanca, Jerico Balmes, Carl Acosta, Miles Manzano, Shane Carrera, Ryrie Sophia, Zion Cruz, Tokyo Rodriguez, Jared Reyes, Christian Villanueva, Arwen Cruz, Mira Aquino, Erika Palisoc, Chelsea Pergis, Emmanuel Talukder, Achilles Ador, Stanray Clark, Uno Weber, Mavi Weber, Mikaela Saldaña, Dirc Manliclic, at Drey Lagrago.

My special appearance sa pelikula si Dr. Lourdes Dimaguila na misis ng congressman ng lone district ng Biñan, Laguna na si Cong Arman Dimaguila. Malaking bahagi ng pelikula ay kinunan sa Biñan na hometown namin.

Soon ay magkakaroon ng commercial showing sa mga sinehan ang Breaking The Silence.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …