HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang selebrasyon, pinili ng NUSTAR Online na bigyang parangal ang Sinulog sa isang mas tahimik ngunit makabuluhang pagsisilbi sa kapwa.
Bilang patotoo sa pangakong iangat ang mga komunidad sa pamamagitan ng makabuluhang pakikipag-ugnayan at paglilingkod, pinalawig pa ng NUSTAR Online ang selebrasyon ng Sinulog sa Talisay City, Cebu. Sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlungsod, nagbahagi ang NUSTAR Online ng mga grocery packs at sako-sakong bigas sa daan-daang pamilya sa iba’t ibang barangay para tulungan ang mga nangangailangan.
Personal at malugod na tinanggap ang grupo ng NUSTAR Online nina City Mayor Samsam Gullas, City Councilor Atty. Dan Villaver, at City Social Welfare and Development Office Head, Ms. Coleen Enajada, na namuno sa pamamahagi.
Binigyang-diin ang kanilang presensyan bilang pakikibahagi sa misyon tungo sa pakikiramay, pakikiisa, at pagbawi.
Dagdag pa sa init ng okasyon, isang pagtatanghal ang ibinahagi ng Talisay Cultural Dancers sa mga benepisyaryo, patunay na kahit hindi sila sumali sa taunang engrandeng parada, ang tunay na diwa ng pagpaparangal sa Mahal na Senor Santo Nino ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagbibigay, pakikiisa, at paglilingkod.
Isa ang lungsod ng Talisay sa mga lugar na lubhang napinsala ng Bagyong Tino. Noong Disyembre 2025, inanunsyo ng pamahalaang panlungsod ang desisyong hindi muna makilahok sa pagdiriwang ng Sinulog ngayong 2026, sa halip ay ituon ang pondo tungo sa pagsisikap sa rehabilitasyon ng lugar. Sa loob ng kontekstong ito, nakita ng NUSTAR Online ang oportunidad na tumayo kasama ng lungsod sa isang matahimik ngunit matatag na selebrasyon ng pananampalataya at katatagan.
Ang pagkakaroon na pormal na pagpapalakas ng mga initisyatibo sa Corporate Social Responsibility ng brand sa huling bahagi ng 2025, tinukoy ang Talisay City bilang isang makabuluhang kapareha sa pag-uugnay ng layunin na may aksiyon sa pagdiriwang ng Sinulog.
“Sinulog embodies the Filipino spirit of faith, gratitude, and communal strength. As we honor this tradition, we are reminded that true celebration extends beyond festivity – it calls us to walk alongside those who are rebuilding and rising again. Our presence in Talisay is a reflection of NUSTAR Online’s commitment to the communities we serve. Giving back isn’t simply part of our agenda; it is woven into the very fabric of who we are as an organization,” ani Krizia Cortez, Director of Public Relations ng NUSTAR Online.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com