I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind item na isang female celeb ang mayroong bongang bahay sa isang probinsiya sa South.
Eh may part sa blind item na tila galing daw sa isang mayamang benefactor ang bahay niya.
Alam naman ninyo na lumabas sa social media ng kompirmasyon ng relasyon nila ni Richard Gutierrez, huh.
Parang sure na sure si Barbie na siya ang nasa blind item, huh! Pumalag naman ang naglabas ng blind item na hindi siya ang tinutukoy.
Of course, may Karapatan ang naglalabas ng blind item na hindi pangalanan ang kanyang source. At may karapatan din si Barbie na pumalag nang pumalag, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com