I-FLEX
ni Jun Nardo
HANDANG-HANDA na ang fashion icon na si Heart Evangelista sa pagdalo sa mga fashion event ngayong 2026.
Balik-trabaho na si Heart na kilala rin bilang artist, philanthropist, at entrepreneur pagkatapos ng holidays.
Siyempre, tuwang-tuwa ang fans ni Heart na inaabangan ang pasabog ngayong bagong taon lalo na noong mag-post siya ng, “Back to work!” sa kanyang social media accounts.
Hindi lang fans ni Heart ang nasasabik sa balik-trabaho niya kundi maging ang French photographer/videographer na si Edward Berthelot sa pagbabalik niya sa style events gaya ng Paris Fashion Week!
Bahagi ng komento ni Bethelot kay Heart, “We will wait for you! See you next season!”
Take note, trabaho ang pagkakaabalahan ni Heart this year at hindi para magpabida, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com