Friday , January 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
InnerVoices

InnerVoices kaabang-abang mga bagong kanta, performances, at collaborations

ni Allan Sancon

UMUUGONG ngayon sa OPM scene ang pangalan ng grupong InnerVoices. Isang bandang patuloy na pinatutunayan na hindi aksidente ang kanilang pag-angat kundi bunga ng talento, sipag, at iisang tinig ng pangarap. 

Sa nakalipas na taon, sunod-sunod ang kanilang inilabas na mga awitin na agad tumimo sa puso ng mga tagapakinig—mga kantang may lalim, emosyon, at modernong tunog na madaling makilala bilang tatak ng InnerVoices. 

Sa bawat himig, dama ang determinasyon ng banda na itaas pa ang antas ng OPM.

Pinangungunahan ang Innervoices ni Patrick Marcelino, lead vocalist ng banda, ang makapangyarihang boses na naging sandigan ng kanilang mga kanta. 

Sa isang panayam ng media, inamin niya, “Lahat ng kanta namin ay may pinanggagalingang kuwento—personal man o mula sa karanasan ng mga taong nakikinig sa amin. Gusto naming maramdaman ng audience na kasama sila sa bawat nota.” 

Sinabi pa ni Patrick, hindi nila minamadali ang tagumpay—mas mahalaga ang katapatan sa musika.

Kasama niyang bumubuo sa solidong tunog ng InnerVoices si Joseph Cruz sa keyboard, na nagbibigay-buhay at lakas sa bawat tugtog. 

Hindi rin matatawaran ang husay nina Rene Tecson sa guitar at Alvin Herbon sa bass—ang dalawang haligi ng instrumental identity ng banda. 

Ang kanilang pagtutulungan ang dahilan kung bakit ramdam ang lalim at linis ng bawat live performances.

Mas pinayaman pa ang tunog ng InnerVoices ng kanilang lider, founder at keyboardist na si Atty. Rey Bergado, gayundin ni Jojo Esparrago, ang kanilang drummer. 

Masaya kaming makita na lumalawak ang tunog namin habang lumalawak din ang pangarap ng banda,” ani ni Atty. Rey.

Hindi kataka-takang maging paborito sila sa mga entablado ng Vibe PH, na naging very memorable ang kanilang performances at paulit-ulit na umangat ang kanilang mga kanta sa leaderboard.

 “Malaking validation ang suporta ng fans,” ani Patrick. “Kapag naririnig namin silang sabay-sabay kumanta, roon namin napatutunayang sulit ang lahat ng pagod.” 

Ang pagkilala ng publiko ang nagsilbing gasolina ng banda para mas pagbutihin pa ang kanilang craft.

At mas exciting pa ang susunod na kabanata: may mga bagong awit na ilalabas ngayong taon, may nakatakdang performance sa Singapore, at pangarap nilang makapag-perform sa USA. 

Bukod pa rito, bukas din sila sa dream collaborations, kabilang ang pakikipagtrabaho kina Gary Valenciano at Jinky Vidal. 

Inspirasyon namin ang mga beterano ng industriya,” saad ni Patrick. “Kung mabibigyan ng pagkakataon, malaking karangalan iyon para sa amin,” sambit pa ng bokalista.

Sa patuloy na pag-arangkada ng kanilang career, malinaw na ang InnerVoices ay hindi lamang isang bandang sumisikat—isa silang bandang may direksyon. 

Sa galing ng kanilang performances, sa lalim ng kanilang mga awit, at sa tibay ng kanilang samahan, ang InnerVoices ay patuloy na mag-iiwan ng marka sa OPM industry. 

At sa bawat yugto ng kanilang paglalakbay, iisa ang malinaw: mas marami pang tagumpay ang paparating para sa bandang may iisang tinig—ang InnerVoices. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Bam Aquino Bianca Gonzales Y Speak

Bam Aquino sasamahan nina Elijah at KD sa Y Speak

HINDI maiwasang magbalik-tanaw ni Senador Bam Aquino sa kanyang karanasan bilang host kasunod ng pag-anunsiyo ng pagbabalik …

GMA Regional tv

GMA artists bubusugin sa saya mga Pangasinense

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG unforgettable evening ang tiyak na hatid ng ilang GMA stars sa mga …

Vina Morales Gladys Reyes Neil Ryan Sese

Vina nagkakapasa-pasa sa awayan nila ni Gladys 

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYANG nakipagkulitan ang mga bida ng Cruz vs. Cruz na sina Vina Morales, Gladys …

Sean Raval Jeric Raval

Sean gustong makilala bilang action star:  hindi dahil kamukha ko siya

RATED Rni Rommel Gonzales WALA sa cast ng Spring In Prague ang young male star na si Sean …

Paolo Gumabao Spring in Prague 

Paolo malaking katuparan pagbibida sa Spring in Prague

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINOKONSIDERA ni Paolo Gumabao na isa sa maganda at malaking achievement ang paggawa …