Monday , February 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang Sparkle Artist na si Will Ashley na napakahusay sa dalawang pelikulang kasama ito, ang Bar BoyAfter School at Love You So Bad.

Marami ang pinahanga at pina-iyak si Will sa  Bar Boys dahil sa malalim niyang pagganap bilang Arvin.

Ayon  nga kay Ogie Diaz, “Punyeta tong si Will Ashley, pinatulo ang luha ko!  Naawa ako sa kanya na isang working law student. Gusto ko tuloy siyang paaralin. Buti na lang, naalala ko, role lang pala ‘yung kanya, hahaha! Pero wa echos, ang husay ni Will.” 

Kung mahusay ito sa Bar Boys: After School ay ‘di rin matatawaran ang galing nito sa Love You So Badkasama sina Bianca De Vera at Dustin Yu.

‘Di man ito nagwagi sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2025 ay wagi naman ito sa puso ng mga manonood na napabilib nito sa malalim at mahusay niyang peformance sa dalawa niyang pelikula.

Maituturing ngang ang taong 2025 ay taon ni Will na sana’y magpatuloy sa 2026 at sa mga susunod pang mga taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Michael Navarro Alvin Aragon Sexbomb Izzy Trazona Andrei Sofia Trazona

Alvin nagseselos daw sa tatay ni Sophia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT si Dingdong Dantes ay balitang nag-react din sa eskandalosong mga statement ni Alvin …

Jose Manalo Jerald Napoles Kim Molina

Jerald naging host ng Eat Bulaga!…sa panaginip

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL Wonderful Nightmare ang titulo ng upcoming film nina Kim Molina at Jerald Napoles, natanong sila …

Aiko Melendez Onemig Bondoc

Aiko, Onemig sinopla netizens na kumukuwestiyon sa kanilang relasyon

RATED Rni Rommel Gonzales INALMAHAN nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc ang mga namba-bash sa kanilang relasyon, na kesyo …

Ralph Dela Paz

Actor/negosyanteng si Ralph Dela Paz sunod-sunod proyekto ngayong 2026

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang actor/businessman na si Ralph Dela Paz dahil matapos itong mag-shoot ng kanyang …

Gladys Reyes Caprice Cayetano Heath Jornales

Gladys kinilig kina Caprice at Heath

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang kinilig sa impromptu acting nina Caprice Cayetano at Heath Jornales. Kitang-kita kasi …