MATABIL
ni John Fontanilla
SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong December 21 sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Nagsilbing Pamaskong regalo ng grupo sa kanilang mga tagahanga ang concert.
Ang Magic Voyz ay kinabibilangan nina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane (composer ng grupo), Asher Bobis, at Jorge Guda.
Naging espesyal na panauhin ng MagicVoyz sina Mygz Molino Ram Castillo and Meggan Marie Escalona Shinew Jovan David and Sherwina B Sunga and VMX Hotties.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com