Tuesday , December 23 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Patrick Marcelino InnerVoices

Patrick Marcelino ng InnerVoices masaya ang birthday celeb

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang lead vocalist ng InnerVoices na si Patrick Marcelino kasama ang kanyang pamilya at mga ka-banda.

Wish nito sa kanyang kaarawan ang makasama ang pamilya ng mahabang panahon na masaya, love, at patuloy na tagumpay sa Innervoices.

Ngayong Kapaskuhan ay kasama nito sa isang simple pero memorable ang kanyang pamilya.

Well simple lang po ang celebration.  Noche Buena sa bahay kasama ang pamilya at magbigay ng regalo sa mga inaanak at makasama ang partner ko na si Mhel,” ani Patrick.

At labis-labis na kasiyahan ang nadarama nito sa panibagong award na nakuha ng grupo sa Aliw Awards 2025.

Of course masayang-masaya po, and unang-una pasalamat sa Diyos. Sa mga taong nagtitiwala at naniniwala sa akin,” pahayag pa ni Patrick.

Thankful ito kay Atty. Rey Bergado, ang leader ng InnerVoices.

Nagpasalamat din ako inyong lahat, our media family. Lalo na si Atty Rey and my family. My number 1 fan and supporter na si Mhel, ang partner ko.”

Sa 2026 ay maraming proyektong naka-line up sa InnerVoices. 

Sabi ni Atty around February ay gagawa pa kami ng mga tatlong bagong kanta and the rest sa amin na po muna.

“Might have outside the country show na rin. Iniintay lang namin ang biggest break namin. Mabait si God and we know na makakamit namin itong succes na ito dahil bawat isa sa grupo ay buhos ang pagsusumikap,” wika pa ni Patrick.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Maricar Aragon Me and My Music

“Me and My Music” concert ni Maricar Aragon sa Viva Cafe, mamayang gabi na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG fund-raising concert ang gaganapin mamayang gabi (Dec. 22) sa …

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …