SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
SULIT ang pagpunta ng pami-pamilya, barkada, magkakamag-anak sa katatapos na Puregold Hakot Relay Run sa Burnham Green Park sa Luneta noong Sabado, November 22, 2025 dahil
talaga namang hakot kung hakot ng iba’t ibang produkto mula kay Aling Puring.
Patok ang pinagsamang fitness, entertainment, at iconic na “hakot” ng Puregold, na tatlong kilometrong relay na nakadagdag excitement para maipakita ang isang makabagong twist sa tradisyonal na format ng fun run. Tatlo ang sumali sa karera hindi para sa bilis kundi para sa diskarte, na nakikipag-kompitensiya sa isang hakot segment na ang mga runner ay kumuha ng mga grocery item at pinuno ang kanilang mga sling bag bago i-tag ang susunod na miyembro ng koponan. Ang sumunod na senaryo ay isang masigla at puno ng adrenaline na aktibidades na nagsama-sama ang mga pamilya, barkada, at komunidad sa kakaibang paraan ng Puregold.
Pagdating ng hapon isang Sunset Concert naman ang inihatid ng Puregold tampok ang mga OPM at P-Pop performers. Kaya naman umalingawngaw ang naggagandahang musika sa park mula sa mga live music ng G22, Press Hit na lalo pang nagpasigla sa relay ng pagdiriwang para sa mga pamilya at mga tagahanga.
Lahat ng kalahok na runners ay nagwagi dahil nag-uwi sila ng Puregold Hakot Relay Finisher’s Medal, isang official race singlet, at isang grocery sling bag, na eksklusibong ginawa para sa inaugural event na ito.
Ang Puregold Hakot Relay Run ay sumasalamin sa mas malawak na layunin ng kompanya na iangat ang mga Filipino community at ipagdiwang ang araw-araw na panalo.
Ani Puregold President Vincent Co, na nanguna sa unang wave ng mga runner, “Wins come in
many forms. This is a new one for us, as Puregold tries to create moments where families, friends, and communities can connect. This Hakot Relay Run gave us a chance to do exactly that.”
Ang napakalaking tagumpay ng first-of-its-kind relay ng Puregold ay nagpapatunay sa potensiyal ng ming creative, community-driven na mga inisyatiba para palakasin ang brand affinity habang pinalalalim ang katapatan ng customer.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com