SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
“SWEET 16, sweet couple, sweet girl.” Ito ang tinuran ni Vice Ganda nang ipakilala sila ni Ion Perez ng Beautederm bilang pinakabagong endorsers ng Belle Dolls noong Nobyembre 17, 2025 sa Grand Ballroom ng Solaire North, EDSA, Quezon City.
Sobrang grateful sila ani Vice Ganda ni Ion na maging parte ng itinuturing niyang unkabogable phenomenal families ng Beautederm na 16 taon na ring namamayagpag.
“Thank you for everything that you’ve plan to
do, not only for yourself, not only for you company but also for other people. I’m so grateful to be associated with you. I am so grateful sitting here beside you.
“Ang maidikit ang pangalan namin sa iyo, sa iyong kompanya, isang malaking karangalan at hindi ito pera-pera lang. Kahit wala pa ito (endorser) nagtutungan na kaming dalawa.,” panimula ni Vice Ganda nang ipakilala sila ni Ion bilang dagdag sa lumalaking pamilya ng Beautederm.
“Sobrang laking bagay ito sa amin ni Ion at sa komunidad ko, na makitang may brand, malaking brand na katulad ng Beautederm.
“Na may nagtitiwala at nakakikita sa aming dalawa. Not just as individuals but as partners.
“We are being trusted. We are being validated. We are acknowledged.
“Not just by ourselves, pero lumalampas na sa community. That our presence, our existence, our love, our relationship is being acknowledged — and that’s one great win. It’s really phenomenal. Thank you very much,” wika pa ng Unkabogable Superstar.
Bale ba ineendoso ng mag-asawang Vice Ganda at Ion ang pampaganda at pangkalusugan ng Belle Dolls drinks, ang Belle Dolls Beaute Secret na Collagen & Stem Cell Juice Drinks at Healthy Coffee line. Kasama rin dito ang bagong produkto ng Beautederm, ang Premium Black Coffee, para sa mas masarap at wellness-boosting sa umaga. At dahil sa pangangalaga ng kalusugan ang ineendoso nila, natanong ang mga ito kung gaano kahalaga ang self-care?
“Nasa probinsiya pa lang ako, active na ako. ‘Yung lahat ng ginagawa ko ngayon, ‘yun din ang ginagawa ko rati sa probinsiya.
“Ang pagiging healthcare, isa iyan sa mga priority ko sa buhay. Parang karugtong na siya ng buhay ko.
“Na active ako. Hindi lilipas ‘yung araw na wala akong ginagawa. And then, sa trabaho namin, siyempre kailangan pangalagaan ‘yung pangangatawan ko.
“Dapat maging laging malakas. Huwag magpabaya. Kaya ayun, pinangangalagaan ko ang aking pangangatawan,” sagot ni Ion.
Aminado naman si Vice Ganda na malaki ang
Impluwensiya sa kanya ni Ion pagdating sa pangangalaga sa kalusugan.
Anito, unhealthy and lifestyle niya dagdag pa na napaka-late na niyang natutulog.
“I used to eat unhealthy food. I used to really stress myself. I used to overwork myself.
“Sobrang unhealthy talaga siya. Pero noong dumating si Ion, nakikita niya kung ano ang ginagawa ko sa mundo ko, sa sarili ko, sa kalusugan ko.
“And he was so seriously concerned about it. So, kinakausap niya ako. Hindi niya lang ako basta kinakausap. Ginagawa niya tapos nakikita ko, tapos ako mismo, nahihiya.
“Ako ‘yung nahihiya. Tapos, nakikita ko kung paano siya kumakain, kung ano ‘yung kinakain niya.
“Noong simula, pinanonood ko lang siya pero I admired him since then. Pero hindi ko naman siya sinasabayan.
“Hanggang sa umabot na siya na sabihan ako ng, ‘Kailangang itigil mo na ‘yang ginagawa mo. Itigil mo na ‘yang pagkain mo ng sobrang baboy, sobrang prito, sobrang mantika! Ang lakas-lakas mong magkanin!’
“Tapos, he brought me to the gym. Oo, noong mga panahong nagkukubli pa kami, noong hindi pa open ang relationship namin.
“‘Pag nasa ibang bansa kami, I used to go to the gym with him. Sabi niya, ‘Hindi mo kinakailangang mag-weightlift or ano. Maglakad ka lang sa treadmill.’
“Habang nagbububuhat siya, pipindutin niya ‘yung treadmill, tapos maglalakad lang ako.
“Tapos, bumili siya ng treadmill noong pandemic. May treadmill kasi sa bahay. So, sabi niya, ‘Kailangan dalawa ‘yung treadmill para sabay tayo.’
“Tapos, pinag-box din niya ako. Lahat.
“Tapos, ine-encourage niya ako sa mga physical activities. Tapos, hindi niya lang ako na-convince mag-bike. Sabi ko, ‘Mamamatay ako! Mamamatay ako! Mamamatay ako!’ So, buti na lang, may nagpahiram sa akin ng electric bike para nasabayan ko siya,” mahabang tsika ni Vice Ganda.
Si Ion din ang madalas magpaalala sa kaya na alagaan ang sarili lalo’t hindi na rin sila bumabata.
“Every single day, tumatanda tayo nang tumatanda, ‘yung panahon at ‘yung edad natin.
“Pero may paraan para mapanatili nating malusog at maganda ang sarili natin,” dagdag pa ni Vice Ganda.
Ibinida rin ni Vice Ganda ang pagiging vain ni Ion.
“Malinis siya sa katawan. Malusog siya.
“So, kung ‘yung partner mo, ganoon, nakikita mo at ang ganda-ganda ng epekto sa kanya — lalo pa sa edad namin, mas matanda sa kanya nang very light. Nang very light.”
At sa mga natutunan niya kay Ion napakahalaga ani Vice Ganda na nabigyan siya nito ngkapayapaan at kaligayahan ang puso niya na nakapagpapabata sa kanya.
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng CEO at presidente ng Beautederm na si Ms Rei Anicoche Tan kung paano nagsimula ang kanyang pakikipagtulungan sa Phenomenal Unkabogable Superstar.
Anito, “Though Vice has only recently signed on as our ambassador, we have already been supporting him for three years, including our support for his scholarship projects for underprivileged students. Since then, we’ve always thought he’d be a great fit for the brand because of what he does for others.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com