PINAKAMALAKING art event ng Quezon City, nagbabalik na may mga bagong exhibit, pagtatanghal, pelikula, at workshops.
Muling magbabalik ngayong Oktubre 2 hanggang 5 ang pinakamalaki at pinakaaabangang art event sa Quezon City — ang Gateway Art Fair sa Gateway Malls ng Araneta City. Ngayong taon, mas pinalawak ito na may mas maraming makatawag-pansing aktibidad at art events para sa lahat.
Inilunsad ng Gateway Gallery ng J. Amado Araneta Foundation (JAAF), layunin ng Gateway Art Fair na maging isang makabuluhang lugar para sa palitan ng sining, paglinang ng mga bagong tagasuporta, at pagbibigay-lakas sa mga lokal na alagad ng sining at kanilang mga komunidad.
“Mas pinalaki at mas mapangahas ang Gateway Art Fair ngayong taon sa tulong ng mga pribado at pampamayanang kolaborasyon. Gaganapin ito sa mga activity area ng Gateway Malls sa ‘City of Firsts,’” ayon kay Diane Romero, Executive Director ng JAAF.
“Maaaring asahan ng mga bisita ang isang mas malaki at mas kapanapanabik na art fair, na may daan-daang likhang sining na naka-display at maaaring bilhin, kalakip ang mga side events na magbibigay ng isang tunay na multisensory na karanasan. At ang pinakamaganda sa lahat, libre ang pagpasok sa lahat ng aktibidad — kaya bukas ito sa lahat.”
Ngayong taon, lampas sa karaniwang exhibit ang iniaalok ng Gateway Art Fair — may mga installation, pagtatanghal, merchandise, at interactive na programa na matatagpuan sa Gateway Mall 1 at 2. Mula Oktubre 3 hanggang 4, at screening ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Cultural Cache mula Oktubre 2 hanggang 5. Mayroon ding mga workshop at demonstration ng printmaking, book sculpture, coffee art, plein air painting, at photography mula Oktubre 3 hanggang 5 — ginagawang isang malawak na “creative playground” ang buong fair.
Patuloy na dala ng Gateway Art Fair ang temang “Live your Art”, na layuning hikayatin ang publiko na mag-ipon ng likhang sining, suportahan ang mga artist, at ipagdiwang ang sining ng kasalukuyang henerasyon. Tampok din ang 36 na curated exhibits mula sa mga emerging at mid-career artists, binibigyan sila ng espasyo upang maipahayag ang sarili at maibenta ang kanilang mga obra.
Mga kalahok sa Gateway Art Fair 2025:
Philippine Pastel Artists, Jamie Samson, Ina Hilario/Ria Willie, Lovely Collado, Yannie Rumbaoa, Unlad Collective, Progressive Artists Society of the Philippines, Atelier de Legaspi, Quattro Uno Art Innovate, Creatives (QUAIC), Coffee Artists PH, FADS Group of Artists, Gerardo Jimenez, The Outdoor Archivists, Quatro Art Space, Ppaul Cubar, Glen Perez, Lion Art (Roy Babia), Artiz Artes (Sheila Q. Bondoc/Melanie R. Tuquet), Assemblage Mirage, SG Arts, Miguel Buhay/Noemi Concepcion, Christine Sioco/Joseph To, Female Art Addicts, Romina Dayanghirang, Vannesa Bautista/Rosie Castel/Juan El Pintor, Menchie Vitente, SARI SARI, Basilio Sepe, Pinky Peralta, Quezon City Performing Arts Development Foundation Inc. (QC-PADFI), at Pugad ni Art Studio ng Baguio City.
Hindi lang pagpapakita ng talento ng mga lokal na alagad ng sining ang layunin ng Gateway Art Fair. Pinapalalim din nito ang mga art at culture program ng JAAF, upang higit pang pagyamanin ang pagpapahalaga sa sining sa mga komunidad ng Pilipino.
Coinciding sa ika-10 anibersaryo ng Gateway Gallery, ipinagdiriwang ng art fair ang isang dekadang pagiging tahanan ng sining sa Araneta City. Sa mga nagdaang taon, ang gallery ay naging tahanan ng mga grupo tulad ng FilPAG, Grupo Kwadro, PASPI, at PPA, habang ang SiningSaysay: Philippine History in Art ay patuloy na kinagigiliwan — at ngayon ay maari nang mapanood anumang oras sa Gateway Pocket Museum app.
“Suportahan ang mga lokal na artist — maging sa pagbili ng kanilang gawa o sa simpleng pagdalo sa art fair.” Sa ika-apat na taon nito, handog ng Gateway Art Fair ang isang tunay na immersive art experience mula Oktubre 2–5 sa Gateway Malls 1 at 2, bilang pagpupugay sa legasiya ni Mrs. Judy A. Roxas, sa pangunguna ng J. Amado Araneta Foundation,” pagtatapos ni Romero.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Gari Apolonio sa [email protected]. Maaari ring bisitahin ang opisyal na website sa https://gaf.jamadoaranetafoundation.org
at i-follow ang social media pages ng Gateway Art Fair sa Facebook at Instagram. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com