Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Agatha Wong The World Games 2025

Agatha Wong ng Wushu flag bearer sa The World Games 2025

NAPILING isa sa mga flag bearers ang Filipina wushu gold medalist na si Agatha Chrystenzen Fernandez Wong 27 taong gulang at ang wakeboarder na si Raphael Trinidad, sa gaganaping The World Games 2025 na magsisimula sa Agosto 7 hanggang 17 sa Chengdu, China. 

Si Wong ay limang beses na gold medalist sa Southeast Asian Games at dalawang silver medal sa World Wushu Championships. 

Ang Team Philippines ay binubuo ng 22 indibidwal na atleta at dalawang pambansang koponan na lalaban sa 24 na kaganapan sa 11 sports na kabilang ang billiards, wushu, waterski, wakeboard, muaythai, sambo, powerlifting, kickboxing, jiujitsu, floorball, duatlhon, at dragon boat.

Sina Jeffrey De Luna at Chezka Centeno ay tutumbok sa (billiards), John Rey Barca at Lealyn Baligasa (canoe), Joyce Reboton (powerlifting), Merry Joy Trupa at Franklin Yee (duathlon), Aislinn Yap (sambo), Raphael Trinidad (wakeboarding), Agatha Wong at Jones Inso (wushu), Annie Ramirez at Kaila Napolis (jiu-jitsu), Hergie Bacyadan (kickboxing), at Rudzma Abubakar (muay thai). (HENRY TALAN VARGAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …