MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng mahigit 7,000 sapaterong Marikenyo na pinauunlad at mas lumalawak na industriya ng sapatos sa Marikina, mas kilala bilang “shoe capital of the Philippines.”
Personal na ipinagmalaki ni dating mayor at ngayo’y Rep. Marcy Teodoro ang Marikina Shoe Museum, isang cultural landmark na matatagpuan sa J.P. Rizal Street, kung saan makikita ang magagarang likhang sapatos ng mga sapaterong Marikenyo at bida rin sa museo ang mga sapatos ng kilalang artista, politiko, at mga nagdaang pangulo ng bansa.
Sinabi ni Teodro, ang museum ay hindi lamang lagayan ng mga koleksiyong sapatos kundi makikita ang mga likha at galing ng mga sapatos na yari sa Marikina.
Itinayo ang Marikina Shoe Museum noong 2001 na naglalaman ng malalim na kasaysayan ng industriya ng sapatos sa Marikina.
Makikita rin sa museo ang mga koleksiyong sapatos ni dating first lady Imelda Marcos mula sa Malakanyang na ngayon ay bida nang makikita sa loob ng museo na isa sa binibisita at tinitingnan ng ilang shoemakers.
Ayon kay Cong. Marcy, malaking halaga sa Marikina ang pagiging shoe capital ng bansa dahil bukod sa nakikilala ang lungsod ay napapalakas pa ang industriya ng paggawa ng sapatos at maraming pamilyang Marikenyo ang natutulungan. (VICKY AQUINO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com