Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Patrick Pato Gregorio PSA
PANAUHIN sa lingguhang PSA Forum ang bagong talagang Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick 'Pato' Gregorio, kasama sa kabilang larawan sina PSC commissioners (mula sa kaliwa) Walter Francis K. Torres, Edward L. Hayco, Matthew P. Gaston, at Atty. Guillermo B. Iroy, Jr. Officer-in-Charge Legal Affairs Office. (HENRY TALAN VARGAS)

Gregorio, Nangakong Mas Maraming Ginto para sa Pilipinas

SA KANYANG unang opisyal na tungkulin bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), nangako si Patrick “Pato” Gregorio na ibibigay niya ang kanyang buong makakaya kapalit ng mas maraming gintong medalya para sa bansa.

“Walang dead end sa pangarap. Ang pangarap natin: mas maraming ginto at serbisyo para sa 110 milyong Pilipino,” sabi ni Gregorio sa PSA Forum sa Rizal Memorial Sports Complex, sa taguyod ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT, at ng 24/7 sports app ng bansa, ArenaPlus.

Pormal na inilipat sa kanya ang pamumuno mula kay dating chairman Richard Bachmann, na nagsilbi simula 2022. Kamakailan lamang inilabas ang kanyang appointment papers mula sa Malacañang.

Aminado si Gregorio na hindi madaling papel ang kanyang haharapin, pero may tiwala siyang kakayanin ito sa tulong ng mga stakeholder sa sports. Layunin niyang suportahan at iangat ang mga atleta, palakasin ang ugnayan ng sports at ekonomiya, at isulong ang kalusugan ng mamamayan.

Nais din niyang suportahan hindi lang ang Olympic sports kundi pati non-Olympic sports, at iminungkahing magtatag ng foundation para sa tuloy-tuloy na pondo sa sports.

Nais din niyang mapanatili ng bansa ang tagumpay ng mga pambansang atleta sa pandaigdigang entablado, kabilang ang tatlong gintong medalya (isa mula kay weightlifter Hidilyn Diaz at dalawa mula kay gymnast Carlos Yulo) sa nakaraang dalawang Olympics.

“Sa loob ng dalawang taon, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Pero hindi pwedeng ako lang ang pagod,” ani Gregorio.

Sa ugnayan ng PSC at Philippine Olympic Committee: “Automatic. Matic ’yan,” sabi niya. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …