Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malabon Police PNP NPD

2 huli sa pananahi ng pekeng branded na panty at bra

NALAMBAT ng tauhan ng Malabon Police ang isang may-ari at supervisor matapos salakayin ang isang garment factory na gumagawa ng mga pekeng branded underwear na tulad ng panty, bra, at brief na nakompiskahan ng 32 sewing machines sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Sa report mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nasa 32- sewing machines, apat na cutting machines, at dalawang heat press machines na gamit sa paggawa ng mga pekeng produkto ang nakompiska matapos makatanggap ng tip sa illegal na gawain ng pabrika.

Bandang 1:00 ng hapon kamakalawa nang pasukin ng mga tauhan nng Malabon Police, dala ang bisa ng search warrant na inilabas ng Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 74, ang 3M Garments na matatagpuan sa P. Aquino St., Brgy. Longos, Malabon City.

Nabatid na gumagawa at tumatahi ng mga pekeng Alfa 1 Brief, Amazing Panty, at Amazing Bra na pawang mga branded na produkto.

Ayon kay P/Maj. Marvin Villanueva ng District Special Operation Unit (DSOU) nahuli nila ang isang 49-anyos na isa sa may-ari ng pabrika at ang 62-anyos supervisor.

Wala sa naturang garments factory ang Chinese national na si Eugene Chua, isa pang may-ari ng 3M Garments.

Bulto-bultong mga pekeng branded na bra, panty, at brief na may tatak na Personal Collections, mga resibo, at iba-ibang dokumento ng pakikipag-transaksiyon ang nasamsam ng pulisya sa naturang pagsalakay.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines ang naarestong suspek habang hihintayin ng pulisya ang ilalabas na warrant of arrest ng hukuman para tugisin ang may-ari ng pabrika. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …