Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
No Firearms No Gun

Para sa mapayapang eleksiyon  
GUN BAN PINAIGTING 360 BARIL KOMPISKADO 356 SUSPEK ARESTADO SA CENTRAL LUZON

ni Micka Bautista

BILANG bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng gun ban ng Commission on Elections (Comelec)  para sa nalalapit na halalan, matagumpay na nakompiska ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kabuuang bilang na 360 baril at pampasabog; at naaresto ang 356 indibiduwal mula 12 Enero hanggang 4 Mayo 2025.

Kabilang sa mga naaresto ang apat na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pitong security guards, pulis, isang halal na opisyal ng pamahalaan, at mga sibilyan.

Ayon kay PBGeneral Jean S. Fajardo, regional director ng PRO3, ang operasyon na ito ay patunay ng seryosong hakbang ng pulisya ng Gitnang Luzon upang sugpuin ang mga banta sa seguridad kasabay ng halalan at hindi sila magdadalawang-isip na arestohin ang mga lalabag sa batas, anuman ang kanilang katayuan sa lipunan.

Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya laban sa loose firearms, 1,300 indibiduwal ang nagboluntaryong nagdeposito ng kanilang mga armas at 273 ang nagsuko ng kanilang hindi lisensiyadong baril.

Dagdag ni PBGeneral Fajardo, “ang kampanyang ito ay hindi lamang para sa gun ban kundi para sa pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon at ang kooperasyon ng bawat mamamayan ay susi sa pagpapababa ng bilang ng loose firearms na nagiging sanhi ng karahasan.”

Tiniyak ng PRO3 na ipagpapatuloy ang mahigpit na checkpoint at mga intelligence-driven law enforcement operations hanggang matapos ang election period, upang matiyak ang isang mapayapa, ligtas, at tapat na halalan sa buong rehiyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …