Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zel Fernandez Joel Torre

Zel Fernandez, hataw sa kaliwa’t kanang projects 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa pag-usad ang career sa showbiz ng newcomer na si Zel Fernandez.

Ang kanyang alindog ay unang nasilayan sa sexy films ng VMX titled “Boy Kaldag” at “Unang Tikim”.

Aabangan naman si Zel sa “Kalakal” na mas matindi ang pagpapa-sexy niya at mas mahaba ang role ng magandang alaga ni Jojo Veloso.

Aminado si Zel na hindi niya ine-expect na sasabak siya sa ganito ka-daring na pelikula.

Aniya, “Pagdating po sa pagpapa-sexy na ginawa ko rito sa movie naming Kalakal, sa totoo lang ay hindi ko po ma-imagine na magagawa ko ‘yun in real life. Pang movie lang talaga ‘yung role ko roon, hahaha!”

“Pero nakaya naman po dahil sa mababait na production people at mahusay na director namin na si direk Roman Perez Jr.,” dagdag ng dalaga na nagsimula bilang freelance model bago sumabak sa pag-aartista.

Ano ang role niya sa movie?

“Ang role ko po rito ay si Abby, ang makaka-love scenes ng dalawa pang babaeng bibida rin dito, sina Divine Villareal at Aliya Raymundo. Wala po akong limitations dito sa movie na ito,” nakangiting sambit pa ni Zel.

Deretsahang sinabi ng sexy actress na mas type niyang kalampungan sa pelikula ang kapwa niya babae.

“Yes po, mas prefer ko nga po ang babae na ka-love scenes, e, hahaha! Hindi po ako tibo ha, pero mas wala kasing ilangan sa amin, lalo na kapag kaibigan mo, mas madali ang work.

“Pero okay lang din naman po sa akin kung sa lalaki ako makikipag-love scene,” nakatawang pakli niya.

Bukod sa mga project niya sa VMX, si Zel ay kasama rin sa movie na “Isolated” na tinatampukan nina Joel Torre, Yassi Pressman, Gwen Garci, at iba pa.

Nabanggit din ni Zel ang role niya sa nasabing pelikula.

“Isa po ako sa magiging multo, nurse victim ng killer,” maigsing pahayag niya.

Nagpa-sexy ba siya rito sa Isolated?

“Hindi naman po ako nagpa-sexy pero daring po ‘yung role ko roon na nakatatakot… Kaya iniimbitahan ko po ang lahat na manood ng Isolated na showing na in cinemas nationwide.

“Sobrang ganda ng movie, promise po, panoorin po ninyo, worth to watch po ito,” pagtitiyak pa ni Zel.

Dahil sa kanyang kaseksihan at sa vital statistics niyang 36-25-36, tiyak na napapansin na siya ngayon ng maraming boys kahit newbie pa lang sa showbiz.

Ano ang magiging reaction niya kapag sasabihang asset niya sa showbiz ang kanyang malulusog na dibdib?

“Agree naman po ako roon na itong boobs ko ay asset ko! Pero hindi lang naman boobs ang asset ko po, kundi buong katawan, hahaha! Joke!

“Pero sabi nga po nila, beauty is in the eye of the beholder. Kung hindi nila makita, pikit na lang sila, hahaha! Joke po ulit, spread love lang not bitterness, hindi ba?” Natatawang wika pa ni Zel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …