Sex Bomb Rawnd 3 concert sa Philippine Arena na

Sex Bomb Rawnd 3 concert Philippine Arena

I-FLEX
ni Jun Nardo

TAMA kaya ang nabalitaan naming sa Philippine Arena ang Rawnd 3 ng Sex Bomb concert?

Aba, matapos punuin ang Araneta Coliseum, sa mas malaking Mall of Asia ang Rawnd 2 nito. Sold out din ang concert ng Sex Bomb.

Now, heto ang third round na next year gaganapin.

Siyempre, kailangang mas pasabog itong Rawnd 3 after ma-sold out ang unang dalawa. At mas malalaki siyempre ang bawat production number.

Just hope ang pray sa mga pinalaki ng Sex Bomb Girls na matuloy ang Rawnd 3 sa Philippine Arena!

Get, get, Aw!