Saturday , June 6 2026
Im Perfect Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

I’m Perfect ‘di malayong mag-top grosser, mga bidang Down Syndrome kayang-kayang umarte

I-FLEX
ni Jun Nardo

GUMAWA ng history ang Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival dahil sa official entry nito ngayong I’m Perfect!

 Sinugalan ng producer na si Sylvia Sanchez ang pelikulang tungkol sa may down syndrome at sila mismo ang bida kasama ang iba pang may DS, huh!

Matagal na ang kuwentong ito ni direk Sigrid Andrea Bernardo. Pero walang nangahas na isalin ito sa big screen until heto na si Sylvia at buong pusong ginawa ang movie.

So, noong iprinisinta sa press ang cast at bida ng I’m Perfect, nakatutuwa silang tingnan na dama ng lahat ang excitement na artista na sila! Naiyak pa nga ang lead stars dahil sa overwhelmed sila sa pagtanggap ng media.

Pati nga ang senior stars na kasama nila sa movie gaya nina Lorna Tolentino, Janice de Belen, Joey Marquez, Sylvia at iba pa eh hindi naitago ang emosyon bilang paghanga sa mga may down syndrome.

Iisa lang ang perception karamihan sa may Down Syndrome. Pero ipakikita at madarama sa movie na tao rin silang may puso at damdamin, nagmamahal, nasasaktan.

Hindi man big stars o superstars ang bida na sina Earl Amaba at Krystel Go, maipararating nila sa lahat ang mensahe ng I’m Perfect na hindi mahirap mahalin ang mga taong may Down Syndrome.

Bongga kapag naging top grosser ang I’m Perfect, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …