Tuesday , April 15 2025

P75-M Shabu kompiskado sa 62-anyos Chinese nat’l

102413 shabu
TINATAYANG P75-M ang halaga ng isang maletang high grade methamphetamine hydrochloride o shabu na nakompiska  sa naarestong si Anthony Co Uy, 62 anyos Chinese national, residente ng Dasmariñas, Cavite, gamit ang Camray (ZBG 553), ng mga kagawad ng PDEA sa pamumuno nina DDGA Rene Orbe at DDGO Abe Lemos sa isang buy bust operation sa Plaza Raja Soliman, Malate, Maynila. (BONG SON)

ARESTADO ang isang 62-anyos Chinese national na nahulihan ng tinatayang P75-milyon high grade shabu sa isang buy bust operation sa Malate, Maynila  kahapon  ng  umaga.

Kinilala ni PDEA Assistant Secretary Abe Lemos ang suspek na si Antonio Uy, may senior citizen’s ID ng 732 El Cano St., Binondo, Maynila, na nagtangka pang tumakas nang arestohin ng mga kagawad ng PDEA.

Ayon kay Lemos, naganap ang buy-bust operation dakong 11:15 a.m. sa Roxas Blvd., Service Road sa Rajah Sulayman Park sa Malate.

Aniya, nang maramdaman ni Uy na darakpin siya ng mga awtoridad, agad pinasibad ang kanyang Toyota Camry (ZBG 553) at binangga pa ang isang sasakyan ng PDEA.

Gayonman, pinaputukan ng isa sa mga PDEA agent ang sasakyan ng suspek na tinamaan sa plate number sa likod.

Nasamsam ng PDEA mula sa kotse ng suspek ang 15 kilo ng high grade shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P75 milyon.  (LEONARD BASILIO/DAPHNEY ROSE TICBAEN)

About hataw tabloid

Check Also

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Honeylet Avanceña Imee Marcos

Gimik ni Imee ‘di bumenta kay Honeylet

HINDI bumenta kay Honeylet Avanceña, ang partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang imbestigasyon ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *