Tuesday , May 6 2025

‘Fiona’, ‘Magellan’ tumanggap ng CF mula kay VP Sara

040725 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NADAGDAGAN ang listahan ng mga tumanggap mula sa confidential funds (CFs) ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) gaya ng pangalang ‘Fiona’ na ilang beses inilista ngunit magkakaiba ang apelyido, isang apelyidong ‘Magellan’, at isang ‘Ewan’.

Ibinuking ni House Deputy Majority Leader and La Union Rep. Paolo Ortega V ang listahan ng mga kakatwang pangalan na kahawig ng mga kilala at sikat na Filipino, kaya’t lalong nadagdagan ang pagdududa at naging kuwestiyonable ang awtentesidad ng pamamahagi ng pondo ng gobyerno.  

               Ilan dito ay Honeylet Camille Sy, Feonna Biong, Feonna Villegas, Fiona Ranitez, Ellen Magellan, Erwin Q. Ewan, Gary Tanada, at Joel Linangan.

Ayon kay Ortega, ang mga pangalang Honeylet Camille Sy, Feonna Biong, Feonna Villegas, at Joel Linangan ay nakalista bilang benepisaryo ng P500 milyong CF ng OVP, habang ang mga pangalang Fiona Ranitez, Erwin Q. Ewan, Ellen Magellan, at Gary Tanada ay nakatanggap sa bahagi ng P112.5 milyong CF ng DepEd.

Ang mga nabanggit na mga kakatwang pangalan ay tumanggap ng bahagi mula sa confidential funds

ay walang opisyal na record ng kapanganakan, kasal, o kahit kamatayan sa Philippine Statistics Authority (PSA).

               Sila ang mga pangalang isinumite ng OVP at DepEd sa Commission on Audit (COA).

“Hindi na ito nakatutuwa, paulit-ulit silang gumagamit ng mga pekeng pangalan na parang nakuha nila sa movies and showbiz,” ani Ortega.

Dagdag niya, “Public funds ang pinag-uusapan natin rito. Kung hindi sila makapagharap ng ebidensiya na mga tunay na tao ang nasa listahan nila, matibay na ebidensiya ito sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte.” 

Nauna rito, isinapubliko rin ni Ortega ang mga pangalan na tinaguriang ‘team grocery’ gaya ng Beverly Claire Pampano, popular na isda; Mico Harina, sangkap sa pagluluto sa hurno; Sala Casim, bahagi ng baboy na pangunahing sangkap sa adobo at menudo; Patty Ting, tawag sa giniling na karne ng baboy o baka; at Ralph Josh Bacon, tapang tiyan ng baboy.

Nag-umpisang pagdudahan ang mga tumanggap ng CF mula sa OVP at DepEd nang lumutang ang mga pangalang Mary Grace Piattos, Renan Piatos, Pia Piatos-Lim, Xiaome Ocho, Jay Kamote, Miggy Mango, Amoy Liu, Fernan Amuy, at Joug De Asim.

Noong Disyembre 2024, ang House committee on good government and public accountability ay nagsumite ng 1,992 inbiduwal na sinabing sangkot sa maling paggamit ng OVP confidential funds.

Base sa PSA, sinabi ni Ortega, 670 ng 1,992 pangalan ay “most likely match” sa PSA records; 1,322 indibiduwal ay walang birth records; 1,456 walang marriage records (536 ang posibleng kapareho); at 1,593 walang death records (399 ang posibleng kapareho).

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. Sa …

Raymond Adrian Salceda

Mayor Salceda: HEART 4S program para sa Albay 3rd district 

POLANGUI, Albay – Tiniyak ni Mayor Raymond Adrian Salceda ng bayang ito na matagumpay na …