Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chavit Singson Beyond the Call of Duty

JC pinalitan ni Martin; Manong Chavit kompiyansa sa Beyond the Call of Duty  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PINALITAN na ni Martin del Rosario si JC de Vera na isa sa magbibida sana sa pelikulang tribute sa katapatangan, sakripisyo at pagkakaibigan ng mga Filipino men in uniform, ang Beyond the Call of Duty.

Sa isinagawang pirmahan ng memorandum of agreement noong Martes nina dating Gobernador Chavit Singson, direk JR Olinares, kinatawan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Public Safety College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP), at PNP Officers ladies Club (OLC) Foundation Inc., naibahagi ng direktor na hindi na si JC ang bibida sa pelikula dahil may problema sa buhok ng aktor.

Paglilinaw ni direk JR, hindi na makakasama si JC sa pelikula dahil nagkaproblema sa buhod nito.

Isa ang aktor sa inanunsiyong magbibida sa Beyond the Call of Duty nang ianunsiyo ang proyektong ito. 

“Nagkaproblema kami sa haircut. As per our last conversation sa manager ni JC, hindi na raw siya pwede magpa-haircut. Ang strict ng PNP sa buhok. 

“Nag-clarify din ‘yung manager ni JC na hindi na kami pwede dahil sa haircut,” anang direktor. 

Dahil sa limitasyong ito pinalitan si JC ni Martin. 

Kasama sa pirmahan ng MOA ang mga anak ni Manong Chavit na sina Stephanie at  Christian  na kasama rin sa pelikula.

Si  Direk JR ang magdidirehe at mamamahala sa lahat-lahat o ang supervising producer. 

Nauna nang nagpahayag ng suporta sa paggawa ng pelikula ang Department of Interior and Local Government (DILG). Fifteen percent ng kikitain ng pelikula ay diretsong mapupunta sa pagsuporta ng mga proyekto at inisyatiba of PNP OLC Foundation.

Bukod kay Martin kasama rin sa pelikula sina Paolo Gumabao, Devon Seron, Christian Singson, Jeffrey Santos, Alex Medina, Martin Escudero, Mark Neumann, Migs Almendras, Valerie Concepcion, Simon Ibarra, Dindo Arroyo, Sharmaine Santiago, Glenda Garcia, Lovely Rivero at marami pang iba.

Ang pelikula ay isinulat ni Eldrin Veloso at ididirehe nina Jose “JR” Olinares at  co-director si Billy Ray Oyanib, cinematography si Eldrin Francisco Flores.

Gagampanan ni Martin ang karakter ng isang police major.

Aniya, tinanggap niya ang proyekto dahil,  “Bukod sa tungkol ito sa ating mga pulisya, para naman maiangat natin ‘yung morale niyong mga bayani natin. Dahil medyo naiipit sila sa mga gulo, siyempre sinumpaan nila ‘yun (trabaho) eh. Walang bias o ano pa man, sila ‘yung mga nasa harap natin na bayani natin.”

Nilinaw naman ni direk JR na ang Beyond the Call of Duty ay hindi true to life story.

Direk JR clarified that this is not a true-to-life story.

Nagpahayag naman ng katuwaan si Manong Chavit sa proyekto dahil aniya, “The movie is not just entertainment—it’s a salute to our modern day heroes. We want to showcase their sacrifices, courage and the unspoken bonds that keep them going.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …