Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
2 himpilan ng pulisya sa Laguna pinuri

2 himpilan ng pulisya sa Laguna pinuri

DALAWANG estasyon ng pulisya ang pinapurihan sa lalawigan ng Laguna sa isinagawang Monday Flag Raising Ceremony sa pangunguna ni P/Col. Ricardo Dalmacia, Laguna PPO Provincial Director, nitong Lunes, 27 Enero.

Iginawad ang medalya ng papuri sa hepe at mga miyembro ng Majayjay MPS para sa matagumpay na pagsasagawa ng police operations laban sa wanted person noong 13 Enero sa Brgy. Ibabang Banga, Majayjay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Geraldo Dela Cruz sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Art. 336 ng RPC kaugnay ng RA 7610.

Nakatala ang naarestong suspek bilang most wanted person sa provincial level.

Ginawaran ng Medalya ng Papuri sina P/Maj. Jordan Aguilar at P/SSg. Rhumsey Aragon.

Iginawad din ang Medalya ng Papuri sa hepe at mga miyembro ng Magdalena MPS para sa matagumpay na police operations laban sa wanted person noong 12 Enero sa Brgy. Malaking Ambling, Magdalena, na kinilalang si Orlando Lalo sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng kasong ng qualified rape.

Nakatala bilang most wanted person sa provincial level.

Iginawad ang Medalya ng Papuri kina P/Maj. Sherwin Concha at Pat. John David Alvaro. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …