Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Kim Remolino Raven Faith Alcoseba NAGT Triathlon

Remolino, Alcoseba, ng Cebu kampeon muli sa 2025 NAGT

ISINUKBIT muli nina Andrew Kim Remolino at Raven Faith Alcoseba ang mga titulo sa kalalakihan at kababaihan sa matagumpay na pagtatanggol nito Linggo ng umaga sa ginanap na unang leg ng 2025 National Age Group Triathlon (NAGT) sa Boardwalk ng Subic, Olongapo City.

Itinala ng 23-anyos na 2nd year Marketing Management sa University of San Jose Recoletos sa Cebu ang mas mabilis nitong personal na oras na (56:44m) upang itala ang kanyang ikalawang sunod na men’s elite title habang idinagdag naman ni Alcoseba ang ikaapat sa hawak nitong tatlong sunod na korona sa oras na 1:09.55.

Napagwagian ni Remolino ang 2024 NAGT sa oras na 56 minuto at 56 segundo upang biguin din nito  ang kapwa Cebuano na si Matthew Justine Hermosa, na itinala naman ang personal best na 56:57 oras. Muli naman naitala ni Hermosa ang mas mabilis nitong oras sa kanyang isinumite na 56:46 minuto.

Unang pumasok na pangatlo ang mula Baguio City na si Dayshaun Ramos (57:16) bagaman kabilang ito sa Junior Elite men bago dumating si Jose Ramos para makamit ang ikatlong puwesto sa Elite Men sa oras na 57:22 minuto.

Muling pumangalawa kay Alcoseba si Erika Nicole Burgos ng Tanauan, Batangas sa oras nito na (1:06:33) habang pangatlo si Salazar na itinala ang (00:00) oras.

Mas mabagal ang oras ni Alcoseba na huling itinala ang personal best na 1:03:55 sa pag-angkin sa kanyang ikatlong titulo sa pagwawagi nakaraang taon sa pangalawa din na si Erika Nicole Burgos ng Tanauan, Batangas (1:05:39) at Kira Ellis of Laguna (1:06:16). 

“Super tough po ang competition laluna galing sa training camp ang lahat ng mga kasali. Lima kami magkakasabay at nag-catch up lang po ako bike and then sa run,” sabi ng mula Talisay City, Cebu at aquathlon silver medalist sa 2023 Cambodia SEA Games na si Remolino.

“We want to maintain our best time po kasi this is the start of the season. Marami pa po puwedeng mangyari at hindi pa po talaga sigurado kung sino ang makakapagrepresent sa amin sa SEA Games,” sabi pa ni Remolino.

“I always briefly bothered by both my knees but I tried my best. I also follow my plans especially sa bike kasi doon ako madalas magstock,” sabi ng 22-anyos na 4th year na Civil Engineering student na si Alcoseba.   

Tinahak ng mga kalahok sa event na inorganisa ng Triathlon Philippines at suportado ng Philippine Sports Commission ang 750m swim, 20km bike at 5km run para sa sprint elite, junior elite, para, at age group; at 1.5km swim, 40km bike at 10km run para sa standard age group at team relay. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …