Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bagong Manila housing policy Honey Lacuna
MAGKASAMANG ginupit ang laso nina Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto sa inagurasyon ng Pedro Gil Residences, kasama sina (mula kanan) Congressman Irwin Tieng, 5th district; Councilor Bel Isip, Councilor Charry Ortega, at Atty. Danny de Guzman, chief of the Manila Urban Settlements Office. Nasa ibang larawan ang mga nabigyan ng sertipiko at susi ng unit. (BONG SON)

Bagong Manila housing policy ipinag-utos ni Mayor Honey

INIUTOS ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – Pangan ang pagbabago sa housing policy na ipinatutupad ng Manila government na ang awardees ay magiging pag-aari ang units na kanilang hinuhulugan sa pamamagitan ng rent-to-own system, hindi gaya noong nakaraang administrasyon na kailangan mong maghulog nang habang-buhay, pero hindi mapapasaiyo ang unit.

Sa kanyang mensahe sa inagurasyon ng Pedro Gil Residences, inianunsyo ni Lacuna na hiniling  na niya sa  Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Yul Servo at kay Manila Urban Settlements Office (MUSO) head Atty. Dave de Guzman na lumikha ng bagong sistema para sa housing units ng lungsod.

Sa ilalim ng dating administrasyon ni Mayor Isko Moreno, ang awardees ay pawang ‘assignees’ na walang katapusang magbabayad buwan-buwan nang walang posibilidad na magiging kanila ang unit pagdating nang araw. 

Mga kawani ng Manila City Hall ang mga unang benepisaryo ng kauna-unahang rent-to-own public low-cost condo units na ang mga awardee ay napili sa pamamagitan ng public raffle.      

Nabatid na ang buwanang upa ay nasa pagitan ng P2,000 hanggang P3,000 kada buwan at pagkatapos ng itinakdang bilang ng taon ng pagbabayad ng unit, ia-award na sa kanila ang titulo ng condo unit.

“Kung dati ay habang-buhay kayong magbabayad ng renta, simula ngayon, ang inyong buwan-buwang hinuhulugan, hindi na po pawang renta lang habang buhay. Ito po ay magiging pabahay na rent-to-own,” diin ng alkalde.

Sinabi ni City Engineer Moises Alcantara na ang 20-storey condo building ay may 299 residential units, 143 parking slots, five commercial spaces, five elevator units, swimming pool, fitness room, function room, roof deck, at parehong may indoor at outdoor activity areas.

Kasabay nito, binuksan din sa publiko ang super health center sa nasabing gusali kasama si Congressman Irwin Tieng na nangako na tutulong sa pagbibigay ng mga kailangang medical equipment.

Pinasalamatan ni Lacuna si  Tieng sa kanyang all-out support at sinabing walang imposible kung ang   national government at local government ay magkasama at nagtutulungan.

Ang nasabing public health center ay kompleto at mayroong libreng serbisyo tulad ng laboratory, ECG, ultrasound, at portable x-ray, at iba pa. Mayroong silid para sa  dental care at minor surgeries.

“Bilang isang doktor, prayoridad natin ang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kababayan. Ninais nating ayusin, palakasin at pag-ibayuhin ang mga serbisyo ng ating health centers, kabilang na nga itong Pedro Gil Health Center. Mas marami na itong serbisyong maibibigay sa atin tulad ng basic laboratory services, ECG, at ultrasound sa mga buntis. Dito na makukuha ang maintenance medicines ng mga lolo at lola natin,” saad ni Lacuna.

Idinagdag na: “Maibibigay ng Pedro Gil Health Center ang epektibo at episyenteng pagpapatupad ng universal health care. Tiniyak natin na mayroong license-to-operate at ang disenyo ay naaayon sa pamantayan ng Department of Health para sa primary health care provider facility.” (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …