Thursday , May 8 2025
Gun poinnt

Sa Lanao del Norte
Election officer patay sa pamamaril

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang Commission on Elections (Comelec) officer matapos barilin sa Brgy. Curva, sa bayan ng Miagao, lalawigan ng Lanao del Norte, nitong Lunes, 25 Nobyembre.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Markus Orlando Vallecer, residente sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Nabatid na pauwi sa kanilang bahay si Vallecer nang barilin ng hindi kilalang suspek.

Dinala ang biktima ng mga pulis sa pagamutan kung saan siya idineklarang wala nang buhay dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng kalibre.45 baril at isang slug.

Ayon sa pulisya, may kaugnayan sa eleksiyon ang motibo sa krimen.

Nagsasagawa ang mga awtoridad ng follow-up investigation at hot pursuit operation upang masukol ang suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers …

Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng …

George Royeca Vince Dizon DoTr Angkasangga Partylist

MC taxis pinayagan nang mag-operate ng DOTR

PINAGBIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ni Angkasangga Partylist first nominee at transport …

Makati Taguig

EMBO gov’t owned facilities muling iginawad sa Taguig LGU
TRO laban sa Makati LGU desisyon ng RTC

NAGLABAS ang Taguig Regional Trial Court (RTC) ng  temporary restraining order (TRO) na nag-uutos sa …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …