Friday , November 15 2024
Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang manikwat ng motorsiklo sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, ang nadakip na suspek ay isang 29-anyos residente ng Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na naganap ang unang pang-aagaw ng motorsiklo sa Cagayan Valley Road, Brgy. Sta Rita, sa naturang bayan, sa pagitan ng 6:10 at 6:20 am, kamakalawa.

Nabatid na sinubukan munang nakawin ng suspek ang isang itim at gray na Honda Click 125, sa pamamagitan ng pagtutok ng baril sa biktima habang naghihintay siya sa harap ng isang convenience store ngunit nabigong i-start ang makina.

Dito tumakbo sa kabilang kalsada ang suspek at hinarang ang sumunod na biktima, na sakay ng kulay kahel na Yamaha Mio I 125S sa pamamagitan ng pagtutok ng baril at pagsuntok nang ilang beses sa ulo ng nagmamaneho nito.

Bumaba ang pangalawang biktima sa kaniyang motorsiklo at kinuha ang susi nito at tumakas kaya nabigo ang suspek na agawin ang motorsiklo.

Kasunod nito, hinarang ng suspek ang isang berdeng Yamaha Mio Soul ng ikatlong biktima ngunit bago pa makaalis ang suspek, naharang na siya ng mga bystanders sa kalsada at inaresto ng mga nagrespondeng pulis at tanod.

Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso, kabilang ang paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …