Friday , November 22 2024
Bayan Muna

Bayan Muna magbabalik sa Kongreso

KUNG korap ka, lagot ka sa Bayan Muna!”

Bitbitang platapormang papanagutin ang mga tiwaling opisyal sa pamamagitan ng pagbabalik sa Kamara de Representantes, naghain ang Bayan Muna party-list  ng certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa 2025 midterm elections kahapon, 1 Oktubre 2024.

Ikinasa ng Bayan Muna ang abogado at dating kinatawan na si Neri Colmenares, dating House deputy minority leader Carlos Zarate, at dating kinatawan Ferdinand Gaite, bilang unang tatlong nominado para sa eleksiyon sa susunod na taon.

         Sa paskil sa kanilang social media (socmed) account, sinabi ng Bayan Muna na ang pagpapanagot sa lahat ng ‘korap’ at tiwali sa loob ng gobyerno ang isa sa plataporma ng Bayan Muna, hindi lang ngayon kundi sa loob ng 25 taon nitong paglilingkod sa bayan.

Anila, “Sa kasaysayan at rekord ng paninilbihan ng partylist ng bayan sa kongreso, pinapanagot nito sa ‘taumbayan’ lahat ng mga korap at tiwali.

“Walang pinipili kundi ang interes ng mamamayan, sa mga nagdaang administrasyon simula sa pagkatatag at pagkahalal nito – Estrada, Arroyo, Aquino, Duterte, at sa rehimeng Marcos Jr. ngayon; una ang Bayan Muna sa pagsasampa ng mga kaso, sa kongreso man o sa korte upang panagutin ang mga tiwaling opisyal.”

         Gamit ang hashtags na #BayanMunaIpanalo #UnaSaLahatBayanMuna, sinabing magpapatuloy ang Bayan Muna sa pagtiyak na ang pondo ng bayan ay inilalaan sa mga mamamayan, hindi sa bulsa ng iilan, hindi sa ganansiya ng dayuhan.

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …