Monday , December 23 2024
QC teachers group bumuo ng ‘50K’ human formation  para sa salary hike campaign

QC teachers group bumuo ng ‘50K’ human formation  para sa salary hike campaign

LUMAHOK sa kampanya para sa panawagan sa pambansang pamahalaan na itaas ang kanilang suweldo sa pamamagitan ng pagbuo ng ‘50K’ human formation ang mga guro sa kanilang paaralan sa Carlos Albert High School, Quezon City.

         Sa isang paskil sa social media, ang 50K human formation ay bahagi ng ‘Friday Habit for Salary increase’ at bilang suporta sa Alliance of Concerned Teachers (ACT).

         Ang mga guro sa buong bansa ay lumalahok sa nasabing aktibidad.

         Nakatakdang magsagawa ang ACT ng “unity walk for salary increase” sa 4 Oktubre sa pagdiriwang ng

World Teachers’ Day.

Ayon kay ACT NCR Union President Ruby Bernardo,

ilulunsad nila ang malawakang kampanya para sa panawagan na itaas ang suweldo ng mga guro, mataas na budget sa edukasyon, pagbasura sa MATATAG curriculum, pagpapabuti sa kondisyon ng kanilang pagtatrabaho, at para imobilisa ang mahigit sa 500 mga guro at kawani sa edukasyon sa rehiyon sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day.

“We will urge our lawmakers to legislate a law granting substantial salary increase for teachers and government employees and supplant EO 64’s meager offer, and allot education budget equivalent to at least 6 percent of the GDP to address the worsening education crisis,” ani Titser Rubs.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …