Saturday , December 21 2024
Mark Lapid Lito Lapid Tanya Garcia Marissa Lapid

Mark Lapid nagtapos ng Doctorate degree sa Business Administration

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ABALA man sa kanyang tungkulin bilang  Chief Operating Officer ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority si Mark Lapid, hindi nito isinantabi ang pangarap na lalo pang dagdagan ang kaalaman.

Nagtapos ng Doctorate degree sa Business Administration si TIEZA chief Mark sa Pamantasang Lungsod ng Maynila.

At kung may taong pinakamasaya sa pagtatapos ni Mark, ito ay ang kanyang amang

si Sen Lito Lapid na walang pagsidlan ang kaligayahan at pagka-proud sa anak.

Sa post na ibinahagi ng senador sa kanyang Instagram noong Biyernes, Sept. 6, sinabi nitong, masayang-masaya sila ng asawang si Mrs Marissa Lapid sa pagtatapos ng kanilang anak na si Mark.

Masaya ring binati si Mark ng kanyang asawang si Tanya Garcia.

Sinabi naman ni COO Mark, regalo niya sa kanyang mga magulang ang kanyang doctorate degree.

Bukod sa public service, napapanood si COO Mark bilang “Ben” sa teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo.

Congrats COO Mark Lapid! 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …