Monday , January 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Magandang produksiyon ng The Kingdom kapuri-puri

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPA-WOW! ang karamihang nanood sa isinagawang special screening ng Metro Manila Film Festival entry na The Kingdom noong  Lunes sa Director’s Club SM Megamall.

Pinuri ang magandang produksiyon at world-class na pagganap ng mga artista na pinangunahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual. 

Sa pagganap nila sa bawat karakter talaga namang tumatak sa puso ng mga nakapanood. Hindi maikakaila ang lalim ng istorya at emotional punch nito dahil nakaiiyak ang istorya, sa totoo lang. 

Ayaw naming idetalye ang aming napanood pero kahanga-hanga kung paano nabuo ang pelikula – mula sa stunning visuals na nagpakita sa naiibang Pilipinas bilang Kaharian ng Kalayaan, sa dynamics ng amang hari na si Lakan Makisig (Vic) at mga anak niyang sina Magat Makisig (Sid Lucero), Dayang Matimyas (Cristine Reyes), at Dayang Lualhati (Sue Ramirez), hanggang sa tunggalian ng mga nasa kapangyarihan at nasa laylayan ng lipunan. 

Ibang klase ang ipinaglalaban ni Sulo (Piolo) na nagbigay ng napakalaking twist sa kuwento. 

Kaabang-abang ang naging paghaharap ng mga karakter nina Vic at Piolo na talaga namang tumagos sa puso. Bawat linyahan ay ramdam na ramdam, lalo na’t nagbukas ito ng mga rebelasyong hindi mo aakalain.

Nagustuhan din namin ang magaling na pagganap ni Iza Calzado bagama’t maigsi ay ramdam na ramdam ang presensiya niya.  Kasama rin sa pelikula sina Zion Cruz, Iza Calzado, Art Acuña, Giovanni Baldisseri, at Nico Antonio.

Highly recommended na mapanood ng bawat Filipino ang The Kingdom dahil kahit isang fictional na bansa ang Kaharian ng Kalayaan, malinaw nitong sinasalamin ang mga totoong pangyayari sa ating lipunan. Isang pelikulang punompuno ng high drama, nakaiintrigang unexpected characters, at plot twists na tatatak sa puso’t isipan ng mga manonood.

Kaya’t sa December 25, ayain ang buong pamilya para maka-experience ng kakaibang Pilipinas na hindi pa nasasakop ng ibang bansa at ang nagpapalakad ay ang mga Datu.

Rated PG ng MTRCB, ang The Kingdom ay idinirehe ni Mike Tuviera, handog ng MQuest Ventures Inc, M-ZET TV Productions, at APT Entertainment Inc.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto B Aquino

Presyo ng tiket sa movie nina Rabin at Angela binabaan

MATABILni John Fontanilla MUKHANG magiging masaya ang mga supporter ng tambalang Rabin Angeles at Angela Muji dahil very affordable …

Paolo Gumabao Sara Sandeva Spring in Prague Ferdinand Topacio Marco Gomez

Topacio iginiit pamamahala ng MMFF ilipat sa FDCP, NCCA

I-FLEXni Jun Nardo MALALAMAN kay Atty. Ferdie Topacio na mahal niya ang local showbiz. Pati nga lumang …

Toni Gonzaga Paul Soriano

Toni inihalintulad sa dumi nagpapakalat ng maling tsismis sa power couple

I-FLEXni Jun Nardo TINABLA na ni Toni Gonzaga ang pagsama nila ng asawang si Paul Soriano na power couple …

Bam Aquino Bianca Gonzales Y Speak

Bam Aquino sasamahan nina Elijah at KD sa Y Speak

HINDI maiwasang magbalik-tanaw ni Senador Bam Aquino sa kanyang karanasan bilang host kasunod ng pag-anunsiyo ng pagbabalik …

GMA Regional tv

GMA artists bubusugin sa saya mga Pangasinense

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG unforgettable evening ang tiyak na hatid ng ilang GMA stars sa mga …