Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Da Pers Family

Aga naawa kay Andres nang makitang nanginig sa isa nilang eksena

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGBAHAGI si Aga Muhlach ng kuwento sa senaryo kapag kaeksena niya si Andres Muhlach sa sitcom nilang Da Pers Family.

Lahad ni Aga, “Kapag may eksena kami hindi ako tumitingin sa kanya talaga! Parang,’ Ah ganoon? O sige.’

“Ayokong tumingin kasi ‘pag tumingin ako sa mata niya… hindi naman sa mako-conscious siyempre ‘pag umarte ako ng diretso, ‘Andres, alam mo,’ ganyan, ganyan, ganyan.

“‘Yung tingin kong ganoon baka mapatingin siyang ganoon, kasi iniisip ko, ‘Sana mabitawan mo na ang linya mo, ‘no.’

“Kaya niya naman, kaya niya naman, Tagalog lang kasi.

Parang, ‘Ito kasi’, ganyan, ganyan. ‘Di ba parang, ‘Eto na…’‘Ops, tumigil, nag-pause! Tapos tumuloy, ‘Ahhh…’

“Talagang naawa talaga ako kasi nakita ko minsan nanginginig ‘yung kamay niya! One time lang naman iyon. 

“Kasi naiilang yata siya ‘pag the whole cast is there, ‘pag sa table ‘yung eksena.

“Parang ako noong bata rin ako, ‘di ba? May eksenang ‘pag kasama mo ‘yung mga senior sa iyo parang nako-conscious ka.

“At naiintindihan ko talaga  iyon and I had to tell him talaga sa bahay, ‘Alisin mo ‘yang nerbiyos ma na iyan kasi magaling ka naman. ‘Magaling ka naman’, sabi ko, ‘Magaling ‘yung ano mo basta bitawan mo lang huwag kang matakot.’,”pahayag pa ni Aga tungkol sa unico hijong si Andres.

Aminado si Aga na umiiral ang pagiging ama niya sa mga anak niyang kambal na sina Andres at Atasha Muhlach kapag nasa taping sila ng Da Pers Family.

Pahayag ni Aga, “Mahirap iyon ha, kasi kailangan isipin ko ang sarili ko rin para… kung anong gagawin ko, kaya lang minsan, gaya sa bihis ko, basta ‘pag nakita ko na maganda na ang mga itsura nila, okay na ako.

“Tapos ako minsan nakakalimutan ko na kung anong kulay dapat ng damit ko, mali-mali, parang ganoon.

“Basta happy sila basta okay na sila okay na ako.”  

Kasama ng Muhlach family (Aga, Charlene, Atasha at Andres) sina Bayani Agbayani, Ces Quesada, Heart Ryan, Kedebon Colim, Sam Coloso, Chad Kinis, at Roderick Paulate, sa direksiyon ni Danni Caparas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …