Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung ‘na-Eva Darren’ siya sa gala ng GMA kahit na siya ay contract artist ng talent arm ng network na Sparkle? At bakit ni walang nagawa ang kanyang handler at hindi nasolusyonan na hindi siya kasama sa listahan kaya walang upuan at wala siyang table assignment kahit na may invitation siya at nag-confim siyang darating? Ano ang silbi ng managers kung hindi man lang nila maiiwas sa kahihiyan ang kanilang talent? 

In fact nabigyan nga siya ng instructions kung anong oras siya kailangan sa venue bilang sagot sa kanyang confirmation na darating siya.

Hindi mo masasabing ok lang iyon. Gumastos din siya sa ipinagawa niyang gown para sa nasabing gala, sumunod siya sa theme na black and white with sparkles. Ano ang dahilan para mawala ang pangalan niya sa listahan sa loob?

Natural lang na magalit si Richard Chua sa ginawa sa asawa niya kaya nga nakapagsalita  iyon ng, “hindi kita pinayagang mag-artista ulit para lang mabastos.” Hindi si Nadine iyong kailangang mag-artista para magkapera. Maayos ang buhay nila ng pamilya niya, may mga negosyo ang asawa niyang si Richard na sapat naman para buhayin sila. May mga lupain iyon at pananim sa Zambales. 

Si Richard  ay anak ng batikang aktres na si Isabel Rivas. Si Nadine ay manugang ni Isabel. Ibig sabihin, kabilang din sa pamilya ng mga Gumabao, hindi basta-basta iyan.

Sa kabila ng nangyaring “na-Eva Darren” si Nadine, walang apologies man lang mula sa organizer ng gala na GMA Network

Maaaring ituro nila na kapabayaan iyon ng production arm nila, pero sila pa rin ang organizer na naglagay kay Nadine sa kahihiyan. Kailangan pa rin nilang mag-apologize dahil sa incompetence ng kanilang talent arm na hindi man lang napangalagaan ang kanilang talent. 

Masyado yata silang excited kasi sa mga artista ng ABS-CBN na dumating sa gala nila kaya napabayaan nila ang sarili nilang artists.

May apologies din ba sila kay Herlene BUdol na nahulog sa stage nila habang rumarampa? Bakit nangyari iyon? Wala ba sa kanilang nakabantay man lang para pagsabihan ang mga artista kung mahuhulog na sila? Mukhang nagiging tatak na nila iyan dahil si Eddie Garcia nadapa rin dahil napatid ng cable sa kanilang taping, si Kris Aquino nahulog din sa stage nila. Ilan pa ba ang kailangang madesgrasya para maging maingat sila?

Maraming kailangang ipaliwanag ang GMA sa ginawa nilang gala pero dapat matuwa sila ha, dahil mas pinag-usapan sila kaysa ginanap na “tie awards”. Ang masakit nga lang doon tila lumalabas na mas palpak sila kaya sila mas napag-usapan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …