Friday , November 22 2024
Online Sexual Exploitation of Children OSEC

4-anyos nene nangapitbahay, minolestiya ng apat na totoy

NAHAHARAP sa krisis ang pamilya ng isang 4-anyos nene na biktima ng pangmomolestiya ng apat na totoy, ang pinakamatanda ay edad 7 anyos sa Sta. Maria, Bulacan.

Sa kabila ng kanilang murang edad, nakuhang molestiyahin ang 4-anyos nene ng apat na batang lalaki, na ang edad ng pinakamatanda ay 7 anyos, pawang residente sa Sta. Maria, Bulacan.

Ang biktima na itinago sa pangalang Nene, 4-anyos, ay naninirahan sa Sulucan Perez, Pulong Buhangin, sa naturang bayan.

Ayon sa lolo ng biktima na si Nilo, nalaman nila kahapon ang pangyayari nang magkuwento ang kanyang apo ukol sa mga kalaswaang ginawa sa kanya ng mga suspek.

Nagsimula ang lahat nang mapansin ng mga kasama sa bahay na kakaiba ang ikinikilos ni “Nene” kaya inusisa nila ang bata.

Dito na nagsumbong ang bata na noon umanong mangapitbahay siya ay nakahalubilo niya ang mga suspek at pinagkatuwaang paghihipuan siya at sinundot-sundot ang kanyang ari.

Upang makakuha ng katarungan sa sinapit ng apo ay inireklamo ni Nilo sa Women’s Desk ng Santa Maria MPS ang mga suspek.

Binigyan din sila ng pagkakataon na makapagharap sa Barangay ng Pulong Buhangin ngunit pilit na itinatatwa ng mga magulang ng mga suspek na may ginawang kasalanan ang kanilang mga anak kaya humantong sa hindi pagkakasundo.

Dahil mga menor de-edad ang mga nasasangkot, sa tulong ng mga opisyal ay idinulog ni Nilo sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development ang kaso. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …