Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tourism officer ng Maynila nagwala nang mapagkamalang yaya ni ex-Sen. Loi sa Japan

HALOS mapahiya si Manila Mayor Joseph Estrada at asawang si dating senadora Loi Estrada sa kanilang  trip sa bansang Japan para sa courtesy call sa Gobernador ng Yokohama na ginawang sister city ng lungsod nitong nakaraang Setyembre.

Batay sa impormasyong ating nakalap, gumawa ng eksenang sobrang ikinahiya ng mag-asawang Estrada ang isang staff nila sa Tourism na si Flordeliza Villaseñor matapos mapagkamalang yaya at alalay ng dating senadora.

Pagkatapos ng kainan sa Barrio Fiesta para sa mga OFW sa Tokyo, sinabihan si Villaseñor na ligpitin na ang gamit ng grupo ni Erap, kasama na rin ang malalaking bag na pinaglagyan ng mga pasalubong ni Dra. Loi.

Ngunit Imbes iligpit ang gamit, sinigawan niya ang staff ng Philippine Embassy at sinabing, “Hindi ako yaya ni Dra. Loi. I am a tourism officer of Manila!”

Natawa lang ang mga taga-Embassy nang iwan ng nagpakilalang tourism staff ang buong delegation ni Erap para magligpit pagkatapos siyang pagsabihan ng secretary ng ambassador na kaya lang siya isinama ay para nga magbitbit ng souvenir items.

Padabog umanong iniligpit ng tourism staff ang mga gamit at ang ibang mga natirang souvenirs ni Dra. Loi na muntik pang mabasag.

Dahil bitbit niya ang kagamitan ng mga delegado ay tuluyan na siyang napagkamalang alalay na dahilan ng kanyang paggawa ang eksena na lubhang ikinapahiya ni Erap.

Inamin ng isa sa mga empleyado ng Lungsod ng Maynila na wala naman siyang nakikitang mali o masama kung mapagkamalang maid ni dating Senadora Loi ngunit talagang siguro ay nakarma lamang siya.

Napapahiya rin si Erap dahil walang dating ang kasama nilang tourism staff hindi gaya ni Beauty Queen at dating Tourism Secretary na si Ms. Gemma Cruz Araneta na may tindig, magaling magsalita at hindi bastos.

Sinabi ng source, sa orihinal na plano at listahan ng mga kasama ay hindi kasama ang pangalan ni Villaseñor sa mga delegadong tutungo sa Japan dahil tanging ang kinatawan ng lungsod na kilalang si Manila Tour guide Carlos Celdran.

Tinukoy ng source na limang araw bago magtungo sa Japan si Erap ay nagmakaawa umano si Villaseñor na isang pageant girl mula Romblon na isama siya sa mga delegado dahil naipagyabang na umnao sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang facebook account.

Dahil sa ginawang pagmamakaawa ay isinama na lamang siya sa kondisyong siya ang magiging tagakarga o tagabitbit ng mga souvenir item na dadalhin sa Japan mula Fipilinas at ang pag-aayos ng mga bulaklak sa iba’t ibang bayan na mayroong handaang Pinoy.

Napag-alaman na ang nabangggit na tourism officer ay ina ng mga anak ng abogado ni Senador Jinggoy Estrada.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …