Sunday , December 22 2024
Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Drug den sa Mabalacat city binuwag ng PDEA

BINUWAG ng mga ahente ng Pampanga Provincial Office ang isang makeshift drug den at naaresto ang tatlong notoryus na tulak sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng PDEA team leader ang mga nahuling suspek na sina Edwin De Otoy, alyas Kabog, 55 anyos, residente sa Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga; Renan Hernan, alyas Bagsik, 43, residente sa Champaca St., Mabalacat City, Pampanga; at Jayson Basilio, alyas Jay, 21, residente sa Villa Paz St., Sta. Teresita, Angeles City, Pampanga.

Narekober ng mga awtoridad ang kabuuang limang piraso ng plastic transparent sachet na naglalaman ng hindi kukulangin sa 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,600; samot saring paraphernalia sa pagsinghot; at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.

Mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of

2002 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …