RATED R
ni Rommel Gonzales
NANINIWALA raw siya sa karma, ayon sa bida ng pelikulang Karma na si Sid Lucero.
Lahad ni Sid, “Yeah, yeah, I believe in karma! One hundred percent.
“And I don’t think it just extends to like how you treat other people because all my life, like si Paolo, I’ve been up and down, under the wheel, and I notice that I don’t really treat other people poorly, in fact I’ve been raised to treat everybody as equals, right?
“But I realized also that it goes and like extends to how well you treat yourself.
“And ever since I started being nice to myself the world started shining back at me,” at natawa si Sid.
Dagdag pa niyang sinabi, “So I’m really happy.”
Tinanong namin si Sid kung may bad karma na siyang naranasan na may natutunan siyang magandang life lesson.
“Like ‘yung na-mention ko kanina it was more of not how I like treat the world around me, it was more of how I treated myself and I think I treated myself so well that the universe turned it’s back on me,” at tumawa si Sid.
“I partied too hard, is that what you wanna know,” ang tumatawa pa ring bulalas ni Sid.
“Yes! Anyway, yeah, after that, like I said with the first question, you start treating yourself better, the universe smiles back at you.”
Sumang-ayon naman ang co-star ni Sid na si Paolo Paraiso sa sinabi ng aktor.
“Yes, naniniwala ako sa karma,” ang pahayag ni Paolo. “Dahil buong buhay ko isa ‘yun sa mga pinaniniwalaan talaga na, do good to others and everything good will happen to you.
“So, talagang naniniwala ako roon. So, so far naman lahat ng karma ko sa buhay eh, maganda and I’m very thankful for that.”
Ayon pa kay Paolo, isa sa mga magandang karma na dumating sa kanya ay ang makasama ang magaling na cast at direktor ng pelikulang Karma.
“So good karma ako so far,” ang nakangiting pahabol pang sinabi ni Paolo.
Mula sa Viva Films at Happy Infinite Productions, palabas na sa mga sinehan, nasa cast din sina Rhen Escano , Krista Miller, Roi Vinzon, Mon Confiado, at Leandro Baldemor, sa direksiyon nina Albet Langitan at Zyro Radoc.