Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lunod, Drown
Lunod, Drown

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na sumama sa mga kalaro upang maligo sa ulan hanggang mapadpad sa isang creek sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Jhaycob Anderson Manrique, 8 anyos, residente sa Phase 7-C Package 7, Lot 28, Block 58, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni P/Capt. Joniber Blasco, Acting Commander ng Police Sub-Station 13 kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, naliligo sa malakas na buhos ng ulan, dakong 2:10 pm,  habang magkakalaro sina alyas Luis, 10 anyos; alyas Amar, 13 anyos; at ang biktimang si alyas Jacob, sa Pag-asa creek malapit sa kanilang lugar sa Phase 7-C ng hapon nang madulas ang biktima habang itinutulak nila ang pulang barrier na dahilan upang mahulog siya sa sapa.

Kitang-kita umano ng kanyang mga kalaro ang mabilis na pagtangay sa bata ng malakas na agos ng tubig kaya kaagad nila itong ipinaalam sa pamilya ng biktima.

Kumilos kaagad sina P/Capt. Blasco at ang Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) upang hanapin ang bata ngunit  hanggang sumapit ang gabi ay bigo silang mahanap ang biktima.

Sising-sisi naman ang ina nitong halos hindi makausap dahil sa kaiiyak nang malaman ang nangyari sa kanyang anak.

Dakong 8:00 am kahapon, Martes, 18 Hunyo, nang tuluyang makuha ng mga rescue team ang bangkay ng biktima sa Saog Bridge sa Marilao, Bulacan.

Handa umanong tumulong ang lokal na pamahalaan sa mga gastusin sa burol at pagpapalibing sa batang biktima kasabay ng paalala sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak sa paglalaro sa mga mapanganib na lugar lalo kapag malakas ang buhos ng ulan. (ROMMEL SALES/MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …