Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sta Maria Bulacan

Pagala-gala sa mga barangay
TIRADOR NG MGA KAWAD AT BISIKLETA, TIMBOG

HINDI na nakapalag ang isang lalaki nang arestuhin ng mga awtoridad matapos maaktuhang kinukulimbat ang  kawad ng kuryente ng isang residente sa Brgy. Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan kahapon ng umaga, Hunyo 17.

Kinilala ni Brgy. Captain Andy Tiqui ng Brgy. Bagbaguin ang naarestong si Buen Benedict y Samson, 23-anyos, binata, walang trabaho at residente ng St. Claire St., Brgy Sta Clara, Santa Maria, Bulacan.

Ayon kay Tiqui, naaktuhan ng mga barangay tanod ang matagal na nilang pinaghahanap na magnanakaw ng mga kawad at bisikleta na kadalasan ang mga nabibiktima ay mula sa Sitio Bahay-Pawid at Sitio Fatima.

Ang suspek din aniya ang naaktuhan ng mga taga-Sitio Sulucan na sisilip-silip sa mga bahay-bahay sa lugar at malimit nilang makita na nakatambay sa ilalim ng tulay.

Sa naging pahayag naman ng biktimang si Aissa De Jesus ​​Y Belleza, babae, 43-anyos, sales lady, at residente ng 785 Bahay Pawid, Brgy Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan, ay naaktuhan niya  na kinukulimbat ng suspek ang kawad ng kuryente sa loob ng kanilang compound na nagkakahalagang Php1,500.00.

Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod ng Brgy. Bagbaguin na agad rumisponde at nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska sa kanya ang mga ninakaw na kawad at bisikleta gayundin ng pamputol tulad ng pliers.

Ang suspek ay binigyan ng kanyang mga karapatan o ‘Miranda Doctrine’ at kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Maria Municipal Police Station (MPS) habang inihahanda ang kasong ‘Theft’ laban sa kanya na isasampa sa Office of the Provincial Prosecutor, City of Malolos, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …