Friday , November 22 2024
Elma Muros-Posadas TOPS PATAFA
EMOSYONAL na inilahad ni Elma Muros-Posadas, two-time Olympian at Southeast Asian Games 8-time long jump title holder ang kaniyang saloobin patungkol sa pamamalakad ng (PATAFA) sa kanilang pagdalo sa paanyaya ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ noong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila. Kasamang dumalo sina (L-R) Cybercraft Philippines president Ranulf Goss, Esports World Federation president Arniel Gutierrez, asawa at coaching partner sa JRU na si Jojo Posadas at Olympic taekwondo bronze medalist at St. Benilde Sports Director Stephen Fernandez. (HENRY TALAN VARGAS)

Elma Muros-Posadas pinuna ang ‘bata-bata’ system sa PATAFA

HINILING ni athletics icon Elma Muros-Posadas sa pamunuan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at sa kasalukuyang coaching staff na bigyan halaga ang homegrown athletes at huwag sayangin ang talento ng mga batang produkto ng mga tunay na grassroots sports program sa bansa.

Ayon kay Murios-Posadas, two-time Olympian at tinaguriang ‘Iron Lady’ ng Southeast Asian Games tangan ang 25 medalya, tampok ang record 8-time long jump title, na nakalulungkot na nababalewala ang mga talento ng batang atleta sa aniya ‘deserving’ sa National Team kumpara sa mga matatandang atleta na namamalagi sa mahabang panahon sa kanila ng kabiguang makapagwagi ng medalya sa international competition.

“Ayokong makasakit pero sobra na talaga ang nangyayari, ang daming talent mula sa grassroots, sa NCAA, sa UAAP, ang hindi tinatanggap sa National pool. Tapos yung mga matatanda na wala namang naipapanalo hanggang ngayon, yun ang pinapaboran.  ‘Pinaiiral ang bata-bata system. Dapat kung hindi makapanalo sa SEA Games out na sana. Ang daming mahuhusay na bata,” emosyunal na pahayag ng Philippine Sports Hall-of-Famer sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

“Kilala ninyo ako, ayoko sanang nagsasalita at tiyak maraming magagalit sa akin sa Patafa, pero hindi ko na matiis. Laging bukambibig ang grassroots development pero binabalewala yung mga talent galing dito. Wala akong problema sa Fil-AM athletes, pero huwag sanang pabayaan ang ating mga homegrown,” ayon kay Muros-Posadas sa lingguhang talakayan na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kasama niyang dumalo sa programa ang asawa at coaching partner sa Jose Rizal University na si Jojo Posadas, Olympic taekwondo bronze medalist at St. Benilde Sports Director Stephen Fernandez, Esports World Federation president Arniel Gutierrez at Cybercraft Philippines president Ranulf Goss.

“Nasaan ba ang pinakamahuhusay nating atleta, hindi ba nasa NCAA at UAAP? Isama mo na rin yung mga nasa probinsiya. May napo-produced tayong talent, pero hindi naman sinasama sa National Team. Kaya every SEA Games, walang ibang mailaban kundi Fil-Am. Malalakas naman talaga sila sa abroad natrain mga yan, pero yung homegrown hindi talaga lalakas kung hindi tutulungan sa National Team,” saad ni Jojo Posadas.

Kapwa tiwala ang tinaguriang ‘Golden Couple’ ng Philippine Athletics sa kakayahan ng homegrown. 

“Kami sa JRU, hindi namin priority sa recruitment yung mga medalists sa Palarong Pambansa. Doon kami sa mga hindi nakamedal pero may passion, disiplinado at determinado na matuto. Since 2008, yan ang aming panuntunan at kami naman po ay nagtatagumpay,” aniya.

Nakamit ng JRU, sa pangunguna nina Games record breaker Frederick Ramirez at Randy Degolacion ang NCAA ‘three-peat’ sa athletics. Binura ng 24-anyos na si Ramirez ang marka sa 400m (48.03) sa tyempong 46.95 at 200m (21.93) sa impresibong oras na 21.43.

“Hindi sila kilala sa Palarong Pambansa pero sa NCAA at sa National Team gumagawa sila ng pangalan. Yan ang bunga ng determinasyon, pag-aalaga at tamang training,” pahayag ni Posadas.

Si Ramirez ay bahagi rin ng PH men’s 4×400 relay team ( Umajesty Williams, Michael Carlo del Prado, at Joyme Sequita) na nakapagtala ng bagong record na 3:06.15 (3:06.58) sa nakalipas na Hangzhou Asian Games. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …