Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Guardian Running Man PH

Angel ‘di na habol manalo, mas gustong mag-enjoy bilang runner

RATED R
ni Rommel Gonzales

ULTIMATE Runner sa Season 1 ng Running Man Philippines si Angel Guardian kaya natanong ito kung may extra effort siya na mas galingan para manalo muli ngayong Season 2?

Sagot ni Angel, “Actually this season po mas focused ako sa… na mag-enjoy ako. Kasi parang last season ang nasa isip ko is parang I play to win.

“Pero this season parang I play more to enjoy!

“Iyon talaga ‘yung nai-set ko sa utak ko na, ‘Siguro okay na ‘yung last season na talagang buhos lahat, buong lakas, lahat-lahat.

“Siguro this season, ahm… competitive pa rin naman ako pero hindi na… iba na ‘yung mindset ko., mas focused na ako na iyon nga, mag-enjoy, maka-bonding ‘yung mga runner, and makita kaming lahat na nag-e-enjoy, lahat nananalo.”

Ang iba pang runners ay sina Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Buboy Villar,Mikael Daez, at Miguel Tanfelix, pinakabagong runner.

At dahil sa pahayag ni Angel nangangahulugan ba ito na medyo naging “relaxed” na siya sa mga race nila sa Season 2?

No po,” pakli ni Angel. “Kasi parang… iyon ‘yung essence ng ‘Running Man’ eh, kasi alam mo ‘yun, parang every mission we have to give our all.

“Para rin sa mga audience, para rin ma-enjoy nila, para rin mag-appear sa screen na, alam mo ‘yun, competitive kami, pero we enjoy.

“And we want to show that to people, I want to show that to people.”

Dagdag pa ni Angel, “Ayokong alisin sa sarili ko ‘yung pagiging competitive ko just because nanalo na ako.

“And it doesn’t mean na hindi ako mag-e-enjoy!”

Tinanong naman namin si Angel, sino among the six other runners ang itinuturing niyang naging pinakamahigpit na kalaban sa season 2?

Ay! Parang si Buboy din,” at tumawa si Angel.

Mapapanood ang Running Man Philippines Season 2 tuwing Sabado at Linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …