Thursday , November 14 2024
Mangingisda ng Zambales, dumaraing sa kawalan ng huli sa karagatan Bajo de Masinloc
Caption 1: ANG mga bangka ng mga mangingisdang Pinoy habang nagbababa ng kanilang huli sa fishport ng Matalvis, sa Masinloc, Zambales. (GERRY BALDO); Caption 2: ANG 77-anyos mangingisda na si Ricardo Legazpi, taga Sto. Rosario, Masinloc. (GERRY BALDO)

Mangingisda ng Zambales, dumaraing sa kawalan ng huli sa karagatan Bajo de Masinloc

ni Gerry Baldo

INILATAG ng mga mangingisda sa Zambales ang kanilang mga hinaing na tila naging ‘daing o binilad na isda’ dahil taong 2016 pa nila nararanasan ang pagtaboy sa kanila ng mga  barkong Tsino na nakahimpil sa Scarborough Shoal o mas kilala sa lokal bilang Bajo de Masinloc.

Sa pagdinig ng Kamara de Representantes patungkol sa sinabing secret deal ni dating Pangulo Rodrigo Duterte at ng Tsina, na ginanap sa Munisipyo  ng Masinloc, may hinanakit na sinabi ng mga mangingisda ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang kabuhayan.

Si Ricardo Legazpi ng Sto Rosario, Masinloc ay higit ng 30 taon nang nagingingisda sa karagatan ng Zambales.

Ani Legazpi, sa loob ng panahon iyon, ngayon lamang siya at ang kanyang mga kasamahan nakaranas ng “sobrang hina ng huli.”

Ngayon ay “Bantay Dagat” na ang 77-anyos na si Legazpi.

Si Noe Elbo, 65 anyos, ay masama rin ang loob,  wala na raw silang nahuhuling isda umpisa nang dumating ang mga Intsik sa Scarborough Shoal.

Para kay Leonardo Cuaresma, kasapi ng New Masinloc Fishermen’s Association, ang masaklap ay kinukuha pa ng mga Intsik ang isda na huli ng mga mangingisdang Filipino.

Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Cuaresma na minsan halos nagkakahalaga ng P10,000 isda ang kinukuha ng mga Intsik sa mga Pinoy.

Hinaing ng mga mangingisda, kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan, darating ang panahon na kahit bilad na isda (daing) ay hindi na sila makapag-ulam, at magdildil na lamang sa asin.

Ayon kay Masinloc Mayor Arsenia “Senyang” J. Lim, 2016 pa nagreklamo ang mga mangingisda na itinataboy sila ng mga Intsik.

“Hindi na raw nakapapasok sa Scarborough shoal at wala na silang natataguan ‘pag masama ang panahon,” ani Lim.

Ayon kay Lim, nangangamba ang mga mangingisda sa banta ng Tsina na huhulihin sila.

Nangako ang mga kongresista na tutulongan ang mga mangingisda ng Zambales.

Dumalo sa pagdinig ang mga miyembro ng  House committee on national defense and security at ang  Special Committee on the West Philippine Sea kasama sila Iloilo Rep. Raul Tupas, House Committee on National Defense chairman, Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, Jr.

Si House Speaker Martin Romualdez ay hindi nakadalo sa pagdinig pero nagpadala ng mensahe sa mga mangingisda.

“Sa utos po ni Speaker, nandito po kami kahit kami ay nasa-recess ngayon para pakinggan kayo. Huwag po kayong mag-alala, makararating po kay Speaker ang mga hinaing at concern ninyo,” ani Gonzales.

Ayon kay Zambales Rep. Jay Khonghun dapat tulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga mangingisda ayon sa kanilang pangangailangan.

               Ani Khonghun, “BFAR is giving fishermen small fiberglass boats good for rivers while we need big vessels for the high seas.”

“We will make sure in the next budget hearing that BFAR will extend the kind of assistance fisherfolk need. They have the funds for it,” ani Khonghun.

Para kay Rep. Dan Fernandez ng Laguna baka kailangan ng mga mangjngisda na mag-consolidate at bumili ng malalaking barko para ‘di basta maitataboy ng mga Intsik.

“You have to consolidate and form cooperatives to obtain low-interest loans from Land Bank and even subsidies from the national government like jeepney drivers, so you can have modern fishing boats,” ani Fernandez.

Ayon kay Zambales Gov. Hermogenes Ebdane may pondo ang probinsiya para makatulong sa mga mangingisda.

“We are making available P5 million for every group of fishermen without interest, but they will have to repay it,” ani Ebdane.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …