Friday , September 5 2025
Sasabak sa SEABA qualifiers SUPORTADO NI CAYETANO GILAS PILIPINAS UNDER-18 WOMENS BASKETBALL TEAM
PINANGUNAHAN ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Erika Dy (nakaupo pangalawa mula sa kaliwa) kasama sina (L-R) team coach Patrick Aquino, head coach Julie Amos at Virgil Villavicencio, mga panauhin sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes sa conference hall ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Rizal Memorial Sports Complex sa P. Ocampo, Sr., St. (dating Vito Cruz) Malate, Maynila. Kasama ang Gilas Pilipinas Under-18 Women’s Basketball team sa pangunguna ni captain Ava Fajardo. Ang iba pang miyembro ng squad ay sina Gabby Ramos, Naomi Panganiban, Alyssa Rodriguez, Jolzyne Impresso, Margaret Villanueva, Aubrey Lapasaran, Sophia Canindo, Ashley Abong, Tiffany Reyes, Venice Quinte, at Margarette Duenas. (HENRY TALAN VARGAS)

Sasabak sa SEABA qualifiers
SUPORTADO NI CAYETANO GILAS PILIPINAS  UNDER-18 WOMEN’S BASKETBALL TEAM

MANILA, Philippines – Buo ang suporta ni Senator Pia Cayetano sa koponan ng Gilas Pilipinas Under-18 Women’s Basketball na nakatakdang sumabak sa qualifier games sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Under-18 Championship na gaganapin sa Thailand.

Aniya, sa pamamagitan ng isang video message, ang kanyang pagsuporta para sa koponan ng Gilas Pilipinas at kung gaano sila ipinagmamalaki ng kani-kanilang pamilya. 

Nagsisilbi rin sila, ani Senator Pia, na inspirasyon para sa mga kabataan at sa buong bansa.

Ibihagi rin ng babaeng senador ang kanyang karanasan bilang dating miyembro ng national volleyball team. “I was a volleyball player when I was your age and it takes a lot to get to the level where you are now. At that tender age, you’ve reached that height of competition and you’re representing the country. That is both an honor and a privilege.”

Binigyang diin ng Senador sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng national pride ngunit hindi pa rin nawawala ang taglay na kababaang-loob: “Remember when you walk through the airport, leaving the country, you carry with you the Philippine flag. Bear it with pride, act with humility, and bring with you all the lessons you’ve learned in sportsmanship. Know that the Filipinos are proud of you. I am proud of you.”

Sa pamamagitan ng inisyatiba ni Senator Cayetano, nakatanggap ang koponan ng suporta mula sa Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang pagsabak sa qualifying event ng FIBA U18 Women’s Asia Cup.

Maglalaro ang Gilas Pilipinas kontra sa katunggaling koponan mula sa rehiyon ng Southeast Asia mula 24-26 Mayo sa Ratchaburi, Thailand.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Catarman communities empowered wit new DOST Projects

Catarman communities empowered wit new DOST Projects

On August 19, 2025, the Department of Science and Technology – Northern Mindanao, led by …

DOST – Pangasinan opens opportunities for PDLs in Dagupan City Jail, Provides training on Calamansi Juice Processing

DOST – Pangasinan opens opportunities for PDLs in Dagupan City Jail, Provides training on Calamansi Juice Processing

IN its continuing effort to bring science, technology, and innovation closer to all, the Department …

Alan Peter Cayetano Ombudsman

Cayetano sa Ombudsman: Magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno

Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang Office of the Ombudsman na magsagawa ng maagap …

Alan Peter Cayetano

Pilipinas, masinsinang naghahanda para sa sunod-sunod na pandaigdigang paligsahan sa larangan ng isports

MATAGAL nang ipinapahayag ni Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang paniniwala na may kakayahan ang …

FGO Logo

Gamit ang Carrot, Patatas at Camote
CLEANSING DIET UPANG MAPABILIS ANG PAGGALING NG MAY SAKIT

MALAKING bahagi ng wastong paggamot ang diet, o ang pagkain ng wastong uri ng pagkain …