ITINANGHAL na Most Outstanding Swimmer (MOS) ang 8-anyos na si Ethan Parungao na nagkamit ng 10 gintong medalya sa 8-years old Boys Division dahilan para tanghaling Most Outstanding Swimmer (MOS) sa kaniyang division sa katatapos na Congress of Philippine Aquatics (COPA) ‘One For All-All For One’ National Capital Region Swimming Championship na ginanap sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.
Nanguna si Parungao sa 200M Freestyle (3:07.27), 50M Breaststroke (00:54.74), 100M Butterfly (01:55.06), 50M Backstroke (00:48.34), 100M Freestyle (01:28.53), 50M Butterfly (00:48.75), 100M Breaststroke (01:58.81), 100M Backstroke (01:40.15), 50M Freestyle (00:41.31), at 200M Individual Medley).
Si Parungao ay isa sa mga batang manlalangoy na inaabangan ngayon dahil sa kaniyang ipinamalas na husay at bilis sa nagdaang COPA NCR-AFO Championship 2024.
Pinangunahan ni COPA co-founder, PAI Secretary-General, at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang ginanap na swimming championship. (MARK CALDEO)