MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang katatapos na major OPM concert, Noon at Ngayon sa New Frontier noong Abril 21 nina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, at Gino Padilla, na naging espesyal na panauhin ang newest recording artist na si Ysabelle Palabrica.
Isa sa nga pinag-usapan ng gabing iyon at talaga namang pinalakpakan ay ang performance ng 15 years old na si Ysabella, na inawit ang kanyang first single na Kaba na mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno at unang inawit ni Tootsie Guevarra.
Kitang-kita ngang pinaghandaan nitong maige ang kanyang performance with back up dancers na sobrang naibigan ng mga taong nanood.
Post nga nito sa kanyang facebook page (Ysabelle Palabrica), “My 1st ever concert at New frontier Theater in Araneta, Quezon City will always be memorable to me.
“I met all these stars that represented their generations from 70’s Mr. Hajji Alejandro, VST, Hagibis, Boyfriends, Ms Rachel Alejandro of the 80s, Mr Gino Padilla of the 90s, Kris Lawrence of Millenials and with Me and Krayz-X of the GenX. Till next concert….. “
Si Ysabelle ay suportado ng kanyang mga magulang na sina Mark Palabrica, alkalde ng bayan ng Bingawan ng Iloilo at JeAn Magno Palabrica na may-ari at tagapangasiwa ng isang pribadong paaralan, ang Centerphil Montessori na may mga Campus sa Iloilo at Bacolod City.
Nakasama rin ni Ysabelle sa Noon at Ngayon concert sina Rigor ng VST & Company, Carlo Parsons,at Pete Galera ng Hagibis, Nitoy Malillin ng Abracadabra, John Raymundo ng Tawag ng Tanghalan, Edwin Cando ng Tawag ng Kampeon, Geoff Taylor, Mia Japson, Arabelle de la Cruz, Rachelle Gabreza, Kyle Macaranas, Floid Gonzales, Sandra Nichole Mitchel, Harris Kumar, Harpreet Kumar, Mika Pardo,at Krayz-X Dancers.
Si Ysabelle ay alaga ni Audie See na siyang nagpasikat noon sa magkapatid na Cherry Lou at Cherry Gal ng the Cherries atbp..