Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NYBL Butz Arimado TOPS PSC
KASAMA ni founder at organizer ng NYBL na si Fernando 'Butz' Arimado (L-R) sina coach Arvin Dela Pena ng Pasig, coach Nawaf Rashid Mohammad para sa ECO Green Makati City, at Quezon City 1st District squad representatives coach JR Matias at coach Vis Valencia. (HENRY TALAN VARGAS)

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa Mayo 4 sa Ynares Coliseum sa Pasig City.

Tinaguriang 2nd John Yap Cup, ang torneo ay bukas sa mga batang Pilipinong manlalaro, kabilang ang kasalukuyan at dating varsity players na itatampok  sa dalawang kategorya – ang 25-under class at 19-under. Ang bawat koponan ay pinapayagang magpasok ng isang expat o dayuhang estudyante bilang import.

“Ikalawang taon na namin ito sa gabay at suporta ng aming mahal na kaibigan na si John Yap. We allow one import per team just to add excitement and test the competitive level of our young players,” pahayag ng founder at organizer ng NYBL na si Fernando ‘Butz’ Arimado sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex.

“Bukod sa pagtulong sa ating mga kabataang manlalaro sa kanilang paghahangad para sa kahusayan sa basketball, narito ang NYBL upang magsilbing tungtungan para sa katuparan ng kanilang mga pangarap na maabot ang antas ng kahusayan mula sa kolehiyo hanggang sa National team at marahil ay isang magandang kinabukasan sa  pro ranks,” sambit ni  Arimado.

Kasama ni Arimado sa forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat ng mga opisyal mula sa tatlong kalahok na koponan na sina coach Arvin Dela Pena ng Pasig, coach Nawaf Rashid Mohammad para sa ECO Green Makati City, at Quezon City 1st District squad representatives coach JR Matias at coach Vis Valencia.

Kabuuang 18 koponan ang kumpirmadong sasabak sa torneo kabilang ang Bataan, Olongapo City, Nueva Ecija, Marikina, Manila, Subic at Navotas.

“Masayang-masaya at excited kaming maging bahagi ng liga. ipinaabot namin ang aming pasasalamat sa suporta ni QC 1st District Congressman Arjo Atayde. Hindi lamang po basketball kundi lahat ng sports ay suportado ni Cong. Atayde at isa po ito sa binibigyan niya ng kahalagahan,” ani Valencia.

“Napakalawak ng aming Distrito at naparaming players na mapagpipilian, but of course talagang nagkaroon kami ng selection para mapili yung talagang mahuhusay at determinado na mapaunlad ang sarili nila hindi lamang bilang basketbolista kundi isang mabuting mamamayan,” aniya.

Sina Dela Pena at Mohammad ay nagbahagi ng pananaw na ang NYBL ay isang liga na tunay na huhubog sa galing at husay ng mga manlalarong Pilipino dahil nag-aalok ito ng dekalidad na basketball at kilala sa integridad pagdating sa maayos na liga at pag-officiate.

“Ang ating pong league commissioner ay si Mr. Robert Dela Rosa at ang grupo naman ng NAMBRO ang ating mga opisyal sa technical, kaya makakaasa po ang ating mga team ng quality basketball at fairness sa officiating,” ani Arimado. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …